PART 11 (SPG)

1612 Words
***** AMAN *****   “Syempre hindi. Huwag kang magpapaniwala sa Kyd na iyon. Alam mo na bata kaya kyng anu-ano ang alam. Pasayaw rin,” paiwas ang mga matang sagot ni Rucia sa katanungan ni Aman. Niligpit na nito ang pinagkainan ni Kyd at dinala sa may lababo. Naghugas ng mga kamay. ‘Alam kong hindi ka artista dahil alam ko na dancer ka lang sa bar noon, Rucia Manrique,’ ang gustong-gustong sabihin ni Aman pero ang lumabas sa kanyang bibig ay, “Akala ko naman ay totoo na. But I can’t blame Kyd dahil mukha ka namang kasi talagang artista. Lamang mo pa nga  ang ibang artista sa ganda, eh.” Namumula ang magkabilang pisngi ni Rucia na humarap sa kanya. Pinagkikiskis ang dalawang basang mga kamay. “Matagal ko nang alam na maganda ako kaya hindi mo na kailangang bolahin ako, Mister.” "But I’m just stating a fact. You are drop-dead gorgeous, Rucia. Kaya nga parang ayaw ko nang umalis dito," pahapyaw niya sa nais niyang tumbukin. Ngayong solo na niya sa maliit na sulok ang dalaga ay may kapilyohang pumasok sa isip niya. "Sinasabi mo riyan?" Nagsalubong ang mga kilay ni Rucia. Tinalikuran siya't nagbanlaw ng kamay sa faucet. Lihim siyang napangisi. Tumayo siya't tuloy-tuloy na lumapit sa dalaga. He took advantage of the apparent turmoil in her system as a result of what he said. "May nasabi ba akong hindi maganda?" malagihay niyang tanong sabay hawak sa magkabilang balikat ni Rucia. At naramdaman niya ang pagtuwid ng tayo nito. Nagulat o nakuryente? Puwedeng parehas. "W-wala..." nabulol na sagot ni Rucia. Napangiti siya. Pagkuwan ay maingat niyang pinaikot ito para magkaharap sila. Tinitigan niya ito sa paraang parang kinakabisado niya bawat detalye ng magandang mukha nito. Kahit nandito sa probinsya si Rucia ay halatang alaga nito ang kutis. Makinis at maputi pa rin ang mukha nito. Mala-clear glass pa rin kahit papaano. There gaze locked, as if nag-uusap sila sa pamamagitan ng utak. “Anong ginagawa mo?” Nalito si Rucia. Walang lakas na binabawi ang kama at hindi maalis ang pagkakatitig sa kanya. Kaysa ang sumagot, Aman’s eyes moved to her lips. Dahan-dahang bumaka naman ang mga iyon na animo’y mga nag-aanyaya na kanyang lasapin at durugin sa sarap. “Bitawan mo ako, Aman.” Rucia wriggled her hand. Tumaas-baba na ang dibdib nito. Kinakabahan na wari ba’y first time na mahahalikan kung sakali. Nagmistulang naging slow mo ang paligid nang sobrang daha-dahan na ibinalik niya ang tingin niya sa mga mata nito. ‘Ganyan nga, Rucia Manrique. Maapektuhan ka dahil hindi man ngayon ay sisiguraduhin kong mahuhulog ka sa akin,’ ang hindi alam ni Rucia ay sa loob-loob niya. “Sabing bitawan mo ako.” This time ay mas malakas na ang pagpupumiglas ni Rucia. Hindi siya natinag, instead he held her close. Nanatiling natitig siya rito habang hawak nang mahigpit ang palapulsuhan nito. And he found their position intimate. Nakapagtataka man ay kusang nag-react ang kanyang katawan ng kakaibang pakiramdam sa pagdidikit ng katawan nila ni Rucia. Kunsabagay, sa kabila ng lihim niyang galit para rito ay lalaki pa rin siya at babae ito. Normal lang ang pag-iinit ng isang lalaki para sa isang babae kahit sa ano pang sitwasyon sila naroroon. “I like you, Rucia. Alam ko parang ang bilis ko pero unang kita ko pa lang sa’yo kahapon ay alam kong gusto na kita,” muli ay kunwari’y pagtatapat niya ng nararamdaman. Doon pa lalong nalito si Rucia. “Naririnig mo ba ang sinasabi mo?” she said unbelievingly. “Yes, and I’m certain of it.” Pagkasagot niya iyon ay bumaba ang mga labi niya sa mga labi nito. His lips touched hers gently. Pasalamat niya at ang inasahan niyang sampal na mapapala niya sa mabilisang pagdedeskarte niya rito ay wala naman. Hindi niya alam kung bakit wala man lang naging tugon ang dalaga. What he only sure was Rucia’s breathing literally stopped. Sure siya dahil nramdaman niya ang pag-inhale nito nang naglapat ang mga labi niya at hindi pa nag-i-exhale. Marahang iginalaw niya ang kanyang mga labi upang namnamin ang labi nito. And still, she didn’t react nor moving. Nang walang umangal sa kanila sa halikan, tulad sa mga slow motion sa pelikula ay halos sabay nilang ipinikit ang kanilang mga mata’t naglaban ang mga labi nila. Gawa ng masarap na sensasyong nalalasap niya sa napakalambot na mga labi ni Rucia ay mas idinikit niya lalo ang katawan niya rito. Wala siyang ikinababahala kung maramdaman ni Rucia ang nabuhay na pagkal*laki niya. His hand on Rucia’s shoulder went up to her nape. His kiss wasn’t gentle anymore. Naging maalab na tulad ng lion na natakam sa prey nito dahil gutom na gutom. Rucia moaned when he cupped her butt. Nagpakasawa ang kanyang mga palad sa matambok na pwetan ng dalaga. Minasa-masahe, paakyat sa likod nito. Hanggang sa inihiwalay na niya ang kanyang mga labi sa labi nito pababa sa leeg nito. Nilasap ng kanyang dila ang malambot at makinis na balat ng leeg ni Rucia. Tapos ay pinasok ang dila sa loobng tainga nito. Pinaikot-ikot niya ang kanyang tainga sa earlobe ng dalaga. “Aman…” ungol ni Rucia na napapaliyad. Nakiliti sa kanyang ginawa. Siya nama’y gusto nang magliyab ang init ng kanyang katawan. Binuhat niya si Rucia at ipinaupo ito sa lababo. Bumagsak pa ang isang plato dahil natabig ni Rucia pero hindi nila iyon pinagkaabahalan pa. Busy na sila sa paglasap ng kani-kanilang katawan. Itinaas ni Rucia ang kanyang T-shirt habang magkasugpong pa rin ang kanilang mga labi pero hindi pa tuluyang hinubaran. Nagpapainit pa sila. Nialasap-lasap lang din nito ang kanyang mga muscles, ang kanyang mga biceps, at ang kanyang mga abs. “f**k!’ he cursed. Nagustuhan ng kanyang katawan ang ginagawa ni Rucia. “Ate Rucia!” Nang bigla ay tinig ni Kyd na kanilang narinig. Papalapit. Dahilan para agarang maghiwalay sila. Kapwa sila parang nabuhusan ng napakalamig na tubig. “Ate, si Lolo San. Tumae,” sabi ni Kyd nang marating ang kusina. Buti na lang at ugali ng mga bata na kahit malayo pa lang ay tumatawag na ng pangalan kung hindi ay nakita sana nito ang hindi dapat makita. Parang walang nangyari na bumalik si Aman sa kanyang kinauupan kanina at kumain. “Um… sige tara linisin natin bago ako umalis at magbenta,” sabi ni Rucia. Sinadyang hindi siya tapunan ng kahit konting tingin. Frustrated na napahilamos siya sa kanyang mukha nang mag-isa na lang siya sa kusina. Muntikan siyang mawala sa sarili niya. Pasalamat siya at naging anghel niya si Kyd. Napigilan niya ang sarili. He sighed. Pinaalala niya sa sarili na naririto siya upang maghiganti kay Rucia Manrique. Unang pagpapainit pa lang niya ay tinablan na siya. Hindi tama ‘yon. Hindi tama na nagre-react ng ganoon ang kanyang katawan para sa babaeng kinamumuhian niya kung hindi ay baka siya ang magiging talo sa bandang huli sa larong ito na siya ang nag-imbento. Siguro ay dapat siyang maglagay ng rules upang hindi siya maging dehado sa mapanuksong alindog ng pagiging babae ni Rucia. Tama! Ilang minuto siyang natulala sa kakaisip. Hanggang sa wala sa sarili, his fingers touched his lips. Naisip niya kasi na wala namang masama sa kiss lang. Ang masama ay ang lumampas doon dahil gusto rin ni Rucia. He grinned evilly. Pagkatapos ay tumingin siya upstairs at bumulong, ‘Huwag kang mahuhumaling sa patibong ko, Rucia. Hindi mo kailanman malalasap ang init ng aking katawan ko. Habambuhay mong aasamin ako.’ . . .   ***** RUCIA ***** “Ay, wow. Thank you naman at magbabayad ka na, Ramon. Akala ko ‘pag puti na ang uwak, eh,” biro niya sa lalaking nakikipag-inuman na naman sa harapan ng tindahang binilhan niya ng uulamin nila mamaya. Magluluto siya ng adobong baboy para naman hindi nakakahiya sa bisita nila na itlog na naman ang ulam. Kapag siya lang sa bahay ay sapat na sa kanya ang noodle or itlog or sardinas na ang ulam. Nagtitipid kasi siya dahil sa mga gamot ni Santiago. Pero dahil may bisita siya ay gusto naman niya na masarap ang ulam. Ngayon lang naman. Pagkatapos niyang maningil at makapanenda ng ilang piraso ay nagpasya na siyang umuwi. Magluluto pa siya kaya kailangan niyang makauwi ng maaga. Karaniwan ay naglalakad siya pero ngayon ay nagpasya siyang sumakay ng tricycle. “Agyamanak, Manong Puroy,” pasasalamat niya sa tricycle driver nang narating nila ang farmhouse. Ang agyamanak na kanyang binanggit ay ‘salamat’ sa Tagalog. Ngiting-ngiti siya na pumasok sa farmhouse bitbit ang kaniyang mga pinamili na aadubuhin niya. “Ate, dumating ka na pala,” pansin sa kanya ni Kyd. “Oo. Pero dito ka muna kasi magluluto ako ng masarap na ulam,” aniya. “Masarap na ulam?” Nagtaka ang bata. “Oo, adobo. Hindi ba gusto mo ng adobo?” “Opo, pero himala yata? ‘Di ba kuripot ka, Ate?” Hindi siya nasaktan sa sinabi ng bata dahil aminado naman siya na kuripot siya. Hindi dahil nahawaan siya sa sabi-sabi na ang mga Ilokano raw ay kuripot kundi dahil naging matipid lang siya. Sino ba namang hindi magtitipid sa kalagayang ganito? Gayunman ay hindi siya nagrereklamo dahil ginusto niya ito. Ang alagaan si Santiago. “Syempre may bisita tayo kaya dapat masarap ulam natin.” “Luh, wala na ang bisita mo, Ate. Umalis na si Kuya Duwapo kanina.” Unti-unti ay nawala ang mga ngiti niya sa kanyang mga labi……..            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD