*****RUCIA***** “Sinong nagluto ng mga ito?” hindi niya alam kung saan ang nanggaling ang tanong niyang iyon. Malinaw naman na si Aman ang nagluto pero hindi lang kasi siya makapaniwala. Take note, hindi kasi basta nagluto lang, nag-ala-chef pa ang mokong dahil hindi basta-basta ang mga niluto nito na mga almusal. Parang mga pagkain na sa mga mamahaling restaurant. May mga magandang presentation. Ang simpleng itlog lang dapat ay may parsley na dahon pa sa gilid at nadedesenyohan ng pamintang durog. Ang tusino naka-roll at animo’y naging mga bulaklak. Ang karne na na-grill ay may sauce na sosyal. Ang pancakes may salmon pa sa taas. Wait, bumili sila ng salmon kahapon? ‘Di niya matandaan at napansin. At ang mga prutas na apple, saging, ubas, pinya at watermelon na-cut ng kung anu-anon