PART 34

1959 Words

***** RUCIA ****   “Santiago, ako ‘to si Nimfa! Palabasin mo ang kabit mo! Mag-uusap kami!” malakas na sigaw ni Mrs. Nimfa na nagpapikit nang mariin kay Rucia. “Okay ka lang?” tanong ni Aman. “Kung hindi ay ako na ang makikipag-usap. Sabihin ko na walang tao ang farmhouse.” “Huwag!” Bigla siyang dilat ng mata. Mas hindi puwede ang nais gawin ni Aman. Hindi puwede na makita ito ng malditang asawa ni Santiago. Baka mas lalala ang sitwasyon. Nagkatitigan sila ng binata. Kita niya sa mga mata nito ang isang katanungan. At wala pa man ay hiyang-hiya na siya. Alam niya na naunawaan agad ni Aman kung sino ang hinahanap ni Mrs. Nimfa Vilaamor na kabit ni Santiago. Sino pa ba? Eh, siya lang naman ang babae sa farmhouse na kasama ni Santiago. Ngayon na siya naniniwala na wala talagang sekreto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD