***** RUCIA ***** “Wala kang imik? May problema ba?” hindi na napigilan na pansin ni Rucia kay Aman. Nakakalayo na sila ng lakad mula sa rancho. “Huh?” pero maang na balik-tanong ng binata. Tabi ang dalawa habang naglalakad. Si Rucia’y nakahawak ang isang kamay sa sling ng kanyang bag. Si Aman ay nakasuksok naman ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng rugged jeans nito. Perahas na simpleng T-shirt lang ang suot nila. Plain black kay Aman na syempre branded. Kay Rucia naman ay fitted pink na may maliit na printed rose sa bandang dibdib. Ang buhok ni Rucia’y hinahayaan lang na tintangay ng preskong hangin. Dahil maniningil lang naman siya ng pautang ay hindi na siya nag-ayos. Pulbo at pink na lisptick lang ang inilagay niya sa kanya mukha. Magkaroon lang ng konting kulay. “Kako