***** AMAN ***** “Aman, wake up,” napakahinhin na boses na kanyang narinig. Mala-anghel. Ang sarap sa tainga. “Nakee?” nagtatakang banggit niya sa pangalan ng may-ari ng tinig. Mula sa pagkakayukyok sa kanyang executive desk ay napatuwid siya ng upo. Nakatulog na pala siya habang iniiisip ang tungkol sa kanila ni Rucia. Kanina, pinakaisipin niyang maigi kung babalik pa ba siya roon. Kung hihingi ba siya ng tawad sa dalaga o hindi na dahil parang ang kapal naman ng kanyang mukha kung magpapakita pa siya roon. Isa pa’y ano ang sasabihin niya kay Rucia kapag kaharap na niya ito? Magso-sorry lang siya? Pinagbintangan niya si Rucia kaya hindi batid niya na hindi sasapat ang sorry lang. “Huwag mo na akong isipin, Aman. Masaya na ako kung nasaan man ako ngayon. Salamat sa lahat ng tulo