Chapter 4

1887 Words
Chapter 4 "Ituloy na natin ang group meeting natin mamaya.." Napatingala si Magdalena ng may magsalita sa kanyang gilid. Kasalukuyan siya ngayong nasa loob ng library kung saan nagrereview siya ng kaniyang mga notes dahil mayroon silang pagsusulit sa susunod na linggo. Uwian na sana nila ngunit naisipan niya pang dumaan muna sa library upang mag review. Halos masamid siya sa sarili niyang laway dahil hindi niya inaasahan na si Jinso iyon! Tatlong araw na niya itong iniiwasan! Sa tuwing lalapit ito sa kanilang dalawa ni Janice sa kanilang classroom ay hindi niya ito pinapansin. Simula kasi ng may pinagsaluhan silang halik nito ay hindi na niya alam kung paano pa ito pakikitunguhan "M-May iba na kaming kagroup ni Janice" Nag-iwas nalang siya ng tingin sa seryosong gwapong mukha ni Jinso Umupo ito sa katapat ng kanyang inuupuan. "Who?" Kunot nuong tanong nito Nagkunwari siyang busy sa pagbabasa ng kanyang notes kahit wala na siyang nauunawaan sa kanyang binabasa roon. Ayaw lamang niyang pansinin si Jinso. "Tell me. Sinong kagroup niyo baby?" Mahinang tanong ni Jinso kaya napatingin siya dito kasabay ng pagkunot ng kanyang nuo "T-Tigilan mo nga ako sa pagtawag mo sakin ng ganyan" Sita niya kay Jinso dahil baka may makarinig pa dito at maparating pa iyon sa nobya nito tiyak na gulo iyon "I will call you whatever i want. So now tell me sino ang kagroup niyo? Yung bagong transfer student ba talaga ha?" Derederetsong tanong ni Jinso na ang tinutukoy nito si Luis. Ang bagong transfer sa kanilang paaralan. Napataas ang kilay niya. "Napaka-chismoso mo talaga. Pati ba naman iyon nalaman mo pa" sagot niya habang may inis pa rin sa tono ng pagsasalita niya Mahina lamang ang mga boses nila dahil nasa loob sila ng library. Kumunot ng husto ang nuo ni Jinso ng makompirma nitong tama nga ang hinala nito. May nakarating kasing balita kay Jinso na may pumoporma raw na bagong transfer student kay kulot Napatiim-bagang ang binata. "I won't let that happen. Tandaan mo kulot ako ang naunang maging kagroup niyo--" "Pinalitan ka na namin ni Janice." Walang ganang putol niya sa pagsasalita ni Jinso habang nililigpit niya ang kanyang mga notebook sa loob ng kanyang bag. "No. Sa ayaw at sa gusto niyo ako ang kagroup niyo" Tumayo rin si Jinso nang tumayo siya. Napapatingin tuloy sakanila ang mga studyante doon sa loob ng library "Huwag kang gumawa ng chismis Jinso. Baka isipin nila may namamagitan satin dalawa ano ka ba? A-Ayoko ng gulo--" "Bakit wala ba?" Seryosong tanong ni Jinso kaya naputol ang mga sinasabi niya Napalunok siya at nahirapan siyang salubungin ang mga mata nito. "K-Kung ang tinutukoy mo yung tungkol sa nangyari satin, kalimutan mo na iyon. Isang pagkakamali lang yun at wala yung k-kahulugan. At pwede ba Jinso may nobya kana db? kaya huwag mo na sana akong kulitin at irespeto mo ang gf mo dahil ayoko rin ng gulo" Sambit ni Magdalena kay Jinso bago niya ito iniwanan sa library Mas mabuti ng sinabi niya iyon kaysa palagi parin siyang kinukulit nito At dahil likas na matigas ang ulo ni Jinso ay sumunod parin ito sakanya hangang sa hagdanan ng kanilang paaralan. Mabuti nalang at walang studyante ang napapadako doon dahil hinawakan ni Jinso ang kanyang pulsuhan "Baby wait please.." May pagmamakaawa sa tono ng boses nito. "A-Ano ka ba naman Jinso? Tigilan mo nako. Ano bang baby pinagsasabi mo diyan?!" Naiinis na niyang sambit dahil naguguluhan siya sa inaakto nito "I just want us to stay this way habang hindi ko pa naayos ang lahat samin ni Chelsea--" Hindi na niya pinatapos ang sinasabi ni Jinso dahil nasampal na niya ito. Hindi naman masyadong malakas ang kanyang pagsampal dahil nabigla lamang siya "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Jinso?" galit niyang tanong Ang gusto pala nito'y gawin siyang pang reserba?! "Please? Baby?" Mas lalo pang naging maamo ang mga mata nitong nagsusumamong pumayag sa gusto nito "A-Ano ako tanga? Aba ang swerte mo naman! Hindi ako pang reserba lang Jinso. At unang una sa lahat ayokong maging third party niyo! Lubayan mo nako please lang Jinso" Tumakbo si Magdalena pagkatapos niyang sabihin iyon. Ngunit nahabol parin siya ni Jinso at agad nitong hinapit ang kanyang bewang. Ipinasok agad siya nito sa isang classroom doon na walang tao at nakapatay ang ilaw "I can't baby. Ngayon pa? Ngayon pang alam kong may feelings ka rin sakin?" Seryoso nitong sabi sakanya habang nakatingin sakanyang mga mata Kahit madilim sa kwartong iyon ay nakikita parin nila ang mukha ng isat isa dahil may kaunting liwanag na nagmumula sa mga bintanang natatakpan lamang ng mga puting kurtina "A-At sino namang nagsabi sayong may feelings ako sayo--" "I felt it. Naramdaman ko yun when you kissed me back" Sambit ni Jinso bago bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi. Napalunok pa ito habang nakatingin sa mga labi niya na para bang pinananabikan na nitong matikman muli Nag-init ng husto ang kanyang mga pisngi dahil sa sinabi nito. "H-Hindi kita gusto no!" Tangi niya bago niya ito itinulak ng marahan Ngunit mas hinapit lamang nito ang kanyang bewang. "Let me check again.." "Ha--" Itatanong palang sana niya kung ano ang ichecheck nito ng bigla nanaman nitong kabigin at siilin ng mapusok na halik ang kanyang bibig! Pero sa pagkakataong ito ay may halong pang-gigigil na ang paraan ng paghalik nito! Much wilder than their first kiss! Hindi rin maunawaan ni Magdalena kung bakit tinugon niya agad ang halik ni Jinso! Pinanabikan niya ring maulit ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa tatlong araw na ang nakakalipas. Para siyang tanga kung minsan ay natutulala pa nga siya sa tuwing naaalala niya ang kanilang naging halik Napakapit agad siya sa leeg ni Jinso dahil pakiramdam niya sinisipsip na nito ang lakas ng kanyang katawan at nanghihina na ang kanyang mga tuhod Sabay silang napapaungol habang nilalasap nila ang bawat pagdampi ng kanilang mga labi. Halos habulin nila ang labi ng isat-isa na para bang gutom na gutom sila sa halik "Uhmmm" Ungol ni Magdalena na lalo pang nagpabaliw kay Jinso. Napa-ungol rin ang binata ng marinig nito ang pag-ungol niya habang nakikipaglaplapan ito sa kanya sa madilim na silid na iyon "Baby sakin ka lang please.." Ungol ni Jinso habang nilalaplap nito ang kaniyang mga labi Pareho silang nalalasing sa sarap! Naglaro ang kanilang mga dila na para bang experto na sila sa pakikipaghalikan sa isat-isa kahit pangalawang halik palang itong pinagsasaluhan nila Para bang ayaw na nilang tigilan ang paghahalikan dahil panay parin ang sipsip ni Jinso sa kanyang labi kahit kinakapos na sila ng kanilang paghinga Hingal na hingal ito ng matapos silang maghalikan dahil tumunog na bell. Ibig sabihin ay ano mang oras may mga studyante ng papasok sa classroom na iyon Hingal na hingal rin si Magda dahil sa pakikipaglaplapan niya kay Jinso. Muli nitong hinalikan ang labi niya ng isa pang halik bago ito ngumiti. "See? You kissed me back again." Nakangiting sabi ni Jinso bago nito inayos ang kanyang nagulong buhok Nakatingin lang siya kay Jinso dahil sa pangalawang pagkakataon napapayag nanaman siya nito sa paghahalikan! At worst dito pa mismo sa kanilang paaralan! Itinulak niya ito "Mali ito Jinso.." Sabi niya kaya nawala ang ngiti ng binata lalo na ng tumakbo siya palabas ng silid na iyon "Wait!" Habol sakanya ni Jinso ngunit hindi na siya naabutan nito dahil nagtago siya sa likod ng hagdanan. Nais niyang sabunutan ang kanyang sariki dahil nagpatangay nanaman siya sa kanyang damdamin kahit alam niyang mali iyon at may masasaktan silang tao! Nang masigurado na ni Magda na wala na doon si Jinso ay saka pa lamang siya lumabas sa pinagtataguan niya. Sakto namang papalakad sa hall way na iyon si Luis. Ang bagong transfer student na tinutukoy kanina ni Jinso. Gwapo rin ito at matangkad rin katulad ni Jinso. Ngunit iba talaga ang karisma at appeal ng kulugong Jinso na iyon dahil bukod sa chix magnet ito ay napakasarap pa nitong humalik! Kumaway agad si Luis sakanya at patakbo itong lumapit "Hello Magda! Kanina pa kita hinahanap" Nakangiting sambit ni Luis pagkalapit nito sakanya "A-Ah eh" Wala siyang maisagot dahil wala pa sa tamang huwisyo ang lagay ng kanyang utak. Nakakabaliw naman kasi ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa ni Jinso kanina kaya tuloy loading parin ang utak niya "Uuwi kana ba? Sabay na tayo malapit lang rin ang bahay namin sa bahay niyo eh" Nakangiting sambit ni Luis "S-Sige ba" Iyon nalang ang sinagot niya Wala na siyang nagawa ng buhatin ni Luis ang kanyang bag kahit sinabi na niyang hindi nito kailangan gawin iyon Paglabas nila ng kanilang paaralan ay narinig niya ang malakas na pagtawag ni Jinso sa kanyang pangalan "Magda!" Para bang galit ang pagkakatawag nito sa pangalan niya. Kaya sabay silang napalingon ni Luis kay Jinso. Kunot nuo itong tumakbo palapit sakanilang dalawa "What's your problem?" Tanong agad ni Luis dahil masama ang tingin ni Jinso dito na para bang kulang nalang ay manununtok na ito "Saan kayo pupunta?" Kunot nuong tanong ni Jinso sakanya na daig pa ang pagiging nobyo kung umakto ito "Wait sorry, boyfriend mo ba siya Magda?" Medyo naguluhan si Luis dahil kahit ito ay nahalata ang pagseselos sa tono ng boses ni Jinso "H-Hindi ko siya boyfriend" Sagot niya kaya mas lalong kumunot ang nuo ni Jinso habang nakatingin sakanya Ano ba kita? Hindi naman talaga ha! Nagkahalikan lang tayo pero walang label! -- Nais sana niyang sabihin iyon kay Jinso mabuti nalang at napigilan pa niya Kumunot naman ang nuo ni Luis dahil hindi naman pala niya nobyo si Jinso bakit kung makatingin ito ng masama ay para bang nanghahamon ito ng away "She's mine--" Iyon sana ang sasabihin ni Jinso kay Luis ngunit bigla naman sumigaw sa di kalayuan si Chelsea "Jinso my love!" Ngumiti si Luis dahil nakita nito ang pagkainis sa mukha ni Jinso. "Pre nagkakamali ka yata ng shotang binabantayan. Mauna na kami sayo" sabi ni Luis bago siya nito hinawakan sa kanyang balikat "Don't touch her" Mariin na sambit ni Jinso kaya napatigil sila sa paglalakad palayo Sakto namang nakalapit na rin si Chelsea sa kanilang tatlo. "Ano bang problema mo pre?" Naiinis na tanong ni Luis kay Jinso "Oh what's going on here?" Kunot nuong tanong naman ni Chelsea "Iyong boyfriend mo kasi binabakuran ang hindi naman niya girlfriend" Matapang na sabi ni Luis kaya napatiimbagang si Jinso at masama parin ang tingin nito sakanilang dalawa "Totoo ba iyon my love?!" Kunot nuong tanong ni Chelsea at nag-uumpisa na itong magmaktol na para bang spoiled brat kid na hindi nagustuhan ang mga nangyayari Tumingin si Jinso sakanya bago ito tumingin kay Chelsea. "No.." Pagkalma nito kay Chelsea dahil nag-uumpisa ng umiyak ang dalaga "Do you like her?!" "No" Parang hiniwa naman ni Jinso ang puso niya sa sinagot nito kaya napayuko siya. Damang dama niya ang hapdi sa kanyang puso. "Okay" Bigla naman ngiti ni Chelsea na para bang walang nangyari. Samantalang inakbayan siyang muli ni Luis "Oh wala naman palang problema eh. Mauna na kami sainyo" Nang-aasar na ngiting sabi ni Luis kay Jinso "Damn it" mahina itong napamura ng mapatingin ito sa kamay ni Luis Iyon lang ang sinabi ni Jinso bago ito nag walk-out palayo sakanilang tatlo Sinipa pa ni Jinso ang coke in can na walang laman sa kalsada sa sobra inis nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD