Chapter 19

1435 Words
Chapter 19 Malamig ang hangin Madilim ang paligid Mausok at parang hindi makita ni Jinso kung sino ang mga tao sa loob ng isang silid na kanyang napasukan Palakas ng palakas ang t***k ng kanyang puso at parang lalabas na iyon mula sa kanyang dibdib Malamig ang pawis sa kanyang nuo habang patuloy siyang pumapasok sa loob ng silid na iyon. Naririnig niya ang tawanan ng mga babaeng nag-uusap at mga batang naglalaro. Pakiramdam ni Jinso ay nakita na niya ang tagpong ito. Pakiramdam niya ay pamilyar sakanya ang pangyayaring iyon. "Mommy ang galing ni Chelsea mag color oh!" Pinakita ng isang bata ang coloring book na kinulayan ng batang babae Malabo ang mukha ng mga bata ngunit unti unti iyong nagiging malinaw. Napatigil si Jinso sa kanyang paglalakad ng makita niya ang kanyang sarili noong bata pa siya. Siya ang batang iyon! Katabi niya ang kanyang kaibigan na si Chelsea at ang mga mommy nila. Natatandaan niya ang tagpong iyon! Para bang sinasakal siya at hindi siya makahinga habang pinapanuod niya ang pangyayaring ito Natatandaan niyang apat nalang ang tao sa classroom na iyon. Dahil wala ng klase tuwing hapon. "Wow ang galing naman!" Nakangiting sabi ng mommy niya Napapalunok si Jinso habang nakatingin sa mga ito. Hindi siya makagalaw at wala siyang magawa kundi panuorin ang nagaganap "Thank you Jinso! Ikaw rin magaling mag drawing!" Sambit ng batang si Chelsea "Syempre big brother mo ako eh!" Sagot ng batang si Jinso Napalunok si Jinso dahil pakiramdam niya palakas ng palakas ang pagtibok ng kanyang puso. Alam niya ang susunod na mangyayari! Nais niyang sumigaw! Nais niyang lapitan ang mommy niya at ang mga bata upang iligtas sa nalalapit na kapahamakan! "N-No..." Sambit ni Jinso dahil alam na niya ang susunod na mangyayari. Naputol ang masayang pag-uusap ng mga ito ng marinig nila ang sigaw ng isang halimaw. Ang teacher nila! Si Sir Leo! Napalingon si Jinso sa lalakeng teacher nila. Lalong lumakas ang pagtibok ng kanyang puso at tagaktak ang kanyang pawis. Nais niyang sugurin ang guro na iyon at pigilan ang masamang tangka nito sa buhay ng kanyang mommy ngunit hindi siya makagalaw! Damn! He can't move his feet! Hindi man lang niya maigalaw ang kanyang mga paa upang sugurin ito "Aliah Gomez katapusan mo na!" Sigaw ni Sir Leo na nagpa-wala ng masasayang ngiti at napalitan ng pagkagulat at takot ng makita ng mga ito na may hawak na baril ang guro at nakatutok iyon sa mommy niya. "Noooo!" Sigaw ng batang si Chelsea bago ito mabilis na yumakap sa kanyang mommy Sakto naman kinalabit ni Leo aka Jacob ang baril nito at ang batang si Chelsea ang nakasalo ng dalawang sunod sunod na putok ng baril Pakiramdam ni Jinso ay nabingi siya at natulala ng makita niya kung paano binaril ni Sir Leo ang kanyang mommy ngunit nasalag iyon ng batang babae! "Anak?!!!!" sigaw ni Arlene ang mommy ni Chelsea sa bilis ng pangyayari at sa pagiging bayani ni Chelsea Panay ang tulo ng luha ni Jinso habang nakatingin siya sa batang Jinso. Nakatulala ito at labis ang takot na nakabakas sa inosenteng mukha ng batang lalake. "Ahhhhhh!!!" Napabalikwas si Jinso ng mapanaginipan nanaman niya ang tagpong iyon! Pawis na pawis siya at halos hindi siya makahinga. Habol habol niya ang kanyang paghinga. Binangungot nanaman siya! It's been so long since he had nightmares. Bata pa siya noong magsimula ang mga masamang panaginip niya. Paulit ulit iyon sa kanyang utak at sa tuwing magigising siya ay para siyang pinarusahan. "D-Damn it.." Mahinang mura niya bago siya napahilamos sa kanyang mukha. Bumangon siya upang uminom ng tubig dahil mabilis parin ang pagtibok ng kanyang puso. Heto nanaman ang mga masasamang panaginip niya. Umuulit nanaman. Dahil ba iyon sa lihim na relasyon niya ngayon kay Magda? Marahil ay inuusig siya ng kanyang konsensya! Napalunok si Jinso. He can't stop loving Magdalena. Pero iniisip niya rin ang mabuting ginawa ni Chelsea sa kanyang ina. Kinabukasan ay nagpunta agad si Jinso sa hospital room ni Dr.Ramon Agonsillio isa itong Psychiatrists na ninong niya. Nilapitan niya ito noong high school pa lamang siya dahil sunod sunod ang mga bangungot na nararanasan niya Ayon sa kanyang ninong Ramon ay nagkaroon daw siya ng kakaibang trauma mula sa pangyayaring iyon kaya paulit ulit ang bangungot na nararanasan niya Ginamot siya nito sa tulong ng mga gamot at treatment para sa isang trauma. Akala niya ay gumaling na siya sa traumatic experience niyang iyon ngunit heto nanaman at binangungot siya "Son what happened?" Tanong agad ni Dr.Ramon ng makapasok siya sa loob ng pribadong kwarto nito sa pinakasikat na hospital "Hi ninong." Magalang na pag bati niya bago siya nito pinatuloy. Alam nitong may problema nanaman siya dahil sa biglaan niyang pagpunta sa hospital "Sit down anak. Nag-almusal kana ba?" Tanong ng ninong Ramon niya. Nahihirapan itong maka-upo muli dahil may katabaan ang pangangatawan nito. Umupo siya sa upuan sa harap ng lamesa nito. Seryoso ang kanyang mukha at halatang wala siyang tulog dahil sa pangingitim ng ilalim ng kanyang mga mata "I had nightmares again.." Simula niya Napabuntong hininga ang ninong niyang doctor. "Iniinom mo pa ba ang mga vitamins?" "Yes" "Anak you just need to forgive yourself. Kailan mo ba papalayain ang sarili mo? Patawarin mo na ang sarili mo sa nangyari noon--" "But she suffered a lot. Nagkasakit siya dahil sakin. Kung nailigtas ko lang sana si mommy--" "Stop it anak. Stop blaming yourself. Iyan lang ang magpapagaling sayo anak. No medicine can cure your nightmares anak. You just have to let it go." Naaawang sambit ng kanyang ninong habang nagrereseta ito ng mga panibagong sleeping pills na makakatulong sakanyang makatulog sa tuwing susumpungin siya ng mga bangungot Napayuko siya "I-I have secret girlfriend ninong" Pag-amin niya sa ninong niya "Oh.. Really?" Tumawa ito at para bang masaya ito sa kanyang sinabi "Just few days ago. The same girl i'm always talking about. Nilakasan ko po yung loob ko dahil hindi ko na kayang patagalin pa yung nararamdaman ko para sakanya." "I'm so happy for you son! Sa wakas nagka-balls ka rin na ipagtapat ang pag-ibig mo." Biro nito at bahagya pang napahalakhak Napangiti siya. Noon pa man ay naikukwento na niya palagi si Magdalena sa ninong Ramon niya. Mas close niya pa ito kaysa sa kanyang daddy dahil palaging busy ang daddy niya sa kanilang mga negosyo at madalas itong nasa south Korea. Ngunit kahit ganon pa man ay ginagawa parin ng daddy niya ang lahat upang mapalapit rin ito sakanya. Palagi siyang kumukunsulta kay ninong Ramon dahil ginugulo siya ng mga masasamang panaginip na paulit-ulit lamang. "Pero ninong.." "Stop. No buts. Go on you deserve to be happy son! Bakit ba kasi nagtitiis ka sa pakikisama kay Chelmea--" "Chelsea po" Napapangiti na niyang sagot Ito ang nagustuhan siya sa ninong Ramon niya. Madali siya nitong napapangiti dahil madalas itong mag-bitaw ng mga biro. Tumawa ito ng malakas "Oh. Senior moments. Alam mo naman senior citizen na ang ninong mo.." Humalakhak ito na para bang katunog ng pagtawa ni Sta.Claus. Napangiti na siya ng tuluyan. "Anyway anak. Makipaghiwalay kana kasi diyan kay Chelsea. She deserves to know the truth too. Kailangan niyang malaman na wala kang nararamdaman sakanya kahit pa lumipas ang mahabang panahon--Wait anak what's in your arm?" Kunot nuo itong napatingin sa kanyang braso Mga bakat iyon ng kuko ni Chelsea kagabi. Nagkasugat iyon. Madali niyang itinago ang kamay niya sa ilalim ng lamesa "N-Nothing ninong--" "Sinasaktan ka parin ba ng babaeng iyon? Aba siya dapat ang ipagamot mo sa akin mukhang siya ang may sakit sa pag-iisip" May bahid na galit na sambit ng kanyang ninong Ramon Napabuntong hininga siya. "She like my sister. Ayoko siyang saktan ninong. Pero hindi ko mapigilan yung nararamdaman ko para kay Magda. I wouldn't be happy if I wasn't with her. I need her..." Pagtatapat niya sa kanyang ninong. Nahihirapan kasi siya sa sitwasyon. Ayaw niyang saktan si Chelsea dahil para na niya itong kapatid ngunit masyadong malakas ang damdamin niya para kay Magdalena. She's everything to him. Sa katunayan kay Magdalena lamang niya nararanasan ang tunay na kaligayahan. Nakakalaya siya sa malungkot na mundo niya sa tuwing ito ang iniisip niya at sa tuwing kasama niya ito But his happiness brings guilt to his thoughts. Nakokonsensya siya. "Do whatever makes you happy. Wala kang kailangan pagbayaran anak. Forgive yourself and be happy. Advice ko sayo anak gawin mo ang magpapasaya sayo without feeling guilty okay?" napalunok siya "I will try ninong.." "Palayain mo na ang sarili mo sa babaeng iyon anak. Masasaktan at masasaktan mo talaga siya dahil hindi naman siya ang mahal mo"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD