Chapter 32 Chelsea POV "Wow ang ganda mo ma'am Chelsea!" Wala man lang reaksyon ang mukha ni Chelsea ng sabihin iyon sakanya ng makeup artist na nag-ayos sakanya para sakanyang birthday party na gaganapin sa isang pinakasikat na hotel. Ang Hoffman's hotel na pag-aari ni Cody Hoffman. Isang sikat na bachelor billionaire at may ari ng multi-billion business na tagapagmana ng sari-saring negosyo ng pamilya nito. Isa ang mga pamilya nito sa mga sikat na pamilya hindi lamang sa kanilang bansa kundi sa buong mundo "Tapos na ba?" Tanong niya sa matamlay na tinig Kailan ba siya sasaya? Araw iyon ng kanyang birthday ngunit parang namatayan siya sa sobrang lungkot niya. Buong gabi siyang hindi nakatulog kakaisip kay Davin at sa halik na kanilang pinagsaluhan. Buong buhay niya ay noon laman

