Chapter 27 Habang nag mamaneho si Davin ay tahimik lamang siya sa passenger seat nito. Nagtataka rin siya kung bakit niya hinahayaan na dalhin siya nito kung saan daw siya nito ililibre ng dinner. Nakakapagtaka dahil hindi niya magawang tumangi dahil hindi umuubra ang pagsusungit niya sa lalakeng ito And something inside her really wants to be with him for awhile. Chelsea ano bang nang-yayari sayo? Bakit mo kasama yang gwapo na yan este yang bwisit na yan??! -- Aniya sa kanyang isip samantalang pakanta kanta pa si Davin habang nag-dadrive ito ng lumang kotse nito Tinignan ni Chelsea ang interior ng kotse nito. Napaka-old class ng kotse at para bang panahon pa iyon ng lolo niya. Nagtataka rin siya kung bakit ganito lamang ang kotse ng binata samantalang anak ito ni Georgina Walton. An

