Part 12: Haplos ng Pagmamahal

2542 Words
Ang Tadhana ni Narding Book 2 AiTenshi   Nangiti siya at nag wika “Kaming mga impakto ay marunong tumingin ng hinaharap ng isang tao o nilalang. Iyan ang aming espesyal na kakayahan. Ngunit ang kakayahang ito ay hindi namin maaaring gamitin sa aming sarili kaya’t wala rin akong alam sa aking kahihinatnan. Pero gayon pa man nais kong basahin ang iyong madilim na hinaharap.” ang wika niya habang naka ngisi at sumusuka ng dugo. “Tama na, hindi ako interesado sa mga sasabihin mo!” sagot ko   Tumawa siya at itinuloy pa rin ang kanyang gagawin..     "Patuloy kang mumultuhin ng iyong nakaraan Nardo. Ang tunay na kalaban ay nasa tabi mo lang, kapag nagising ang kanyang lakas ay mamatay ka na rin. Nakikita kong malalason ang iyong katawan sa kanyang kamandag at ikaw masasaktan ng paulit ulit. Humanda ka Nardo dahil ang pangalan mo ay magiging parte na lamang ng kahapon." ang naka ngisi niyang salita bago bumulwak ang dugo sa kanyang bibig at malagutan ng hininga.     Part 12: Haplos ng Pag mamahal "Alam mo kaya ka nag kasakit ay masyado mong iniisip yung hula ni Pablo. Sinisira lang niya yung concentration mo no. Ang mabuti pa ay mag pahinga ka muna." ang wika ni Cookie noong inabutan ako ng gamot. Halos apat na araw na ang lumilipas mag buhat noong matalo ko si Pablo, basta noong gabing iyon ay magulong magulo ang aking isipan, mula sa aking pag lipad ay bigla na lamang akong lumanding sa karagatan at doon ay hinayaan ko ang aking sariling palutang lutang. Nababad yata ako ng husto kaya't tinamaan ako ng sakit. "Tao ka pa rin naman. At ang iyong katawan ay walang pinag kaiba sa amin. Kahit nga si superman ay nag kakasakit no." ang wika ni Cookie "Ayos lang naman ako, kailangan ko lang siguro ng kaunting pahinga." ang tugon ko habang naka higa. Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pag bukas ng pinto, dito ay pumasok si Bart dala ang isang plastic ng prutas at mga gamot. "Ako na ang mag aalaga kay Narding, pwede kana pumasok sa trabaho Cookie." wika nito "Bawal mapagod si Narding, baka naman mag wrestling pa kayo sa kama habang may sakit sya." ang biro ni Cookie  "Papagalingin ko siya gamit ang aking yakapsule at kisspirin! Ako bahala dito, alis kana." ang naka ngising wika ni Bart sabay lundag sa kama at tumabi sa akin "Basta pag may problema ay tawagan nyo lang ako. Mag pahinga ka Narding, baka naman humarvat ka pa!" ang hirit ni Cookie sabay labas sa aming silid. "Wala kang trabaho ngayon?" tanong ko kay Bart. "Mayroon kaso ay mas importante ka. Kahit naman super hero ka ay kailangan mo pa rin ng mag aalaga sa iyo." naka ngiti niyang sagot sabay kuha ng mansanas sa plastic at binalatan niya ito. "Salamat." naka ngiti kong tugon at umunan ako sa kanyang hita. Tahimik.. Maya maya ay isinubuan nya ako ng hiniwang mansanas. Tinanggap ko naman ito at nginuya habang naka tingin sa kanyang mukha. Ngumiti sya. "Bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya Ngumiti rin ako. "Ang gwapo mo." seryoso kong salita. Natawa siya "sabi na nga ba noon ka pa patay na patay sa akin. Gwapo naman talaga ako diba? Saka malaki pa ito." ang wika niya sabay pakita sa kanyang ari na naninigas. Pulang pula ang ulo at tirik na tirik sa galit. "Gusto ko sana e kaso may sakit ka kaya yayakapin nalang kita." hirit pa niya kaya humiga siya sa aking tabi at niyakap ako ng mahigpit. Tumagilid ako at yumakap rin sa kanya. Dinantay ko ang aking hita sa kanyang bukol at niyakap ko ang kanyang katawan habang ang aking ulo ay naka unan sa kanyang braso. "I love you." bulong niya Hinalikan ko siya sa labi "I love you." tugon ko at doon ay ipinikit ko ang aking mga mata.. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulong sa bisig ni Bart. Nag mistulang malambot na unan ang kanyang bilugang braso at pinaka mabisang gamot ang haplos ng kanyang pag mamahal. Ninamnam ko ang kanyang yakap na wari'y inilulutang ako sa alapaap. Habang naka pikit ako ay siya naman pag bukas ng pinto ng aming silid, dito ay pumasok si Cookie. "Narding! Jusko!!" ang bungad niya "Sshhh, wag ka maingay magigising si Narding, hayaan mo siyang mag pahinga. Ano ba iyon?" tanong ni Bart pero iminulat ko na rin ang aking mata para malaman kung bakit nag papanic itong si Cookie Tumayo si Cookie sa aming harapan at gumalaw galaw ito, minomostra ang mataas na gusali, tapos may mahuhulog. Hindi namin maunawaan pero parang nag lalaro kami ng charades. "Ano? May tatalon?!" tanong ni Bart Tumangon si Cookie. Nag mostra nanaman ito, kumakampay kampay ang kamay, sinasakal ang sarili, nakalawit pa ang dilia. "Nalason?" tanong ni Bart Umiling si Cookie at sumampa ito sa lamesa saka lumundag. "Langit lupa? Luksong baka? Baklang lumulundag sa lamesa?" pang huhula ni Bart Umiling si Cookie at muli sinakal ang sarili dahilan para mapakunot na ang noo ni Bart. "Tang ina mag salita kana kasi. Ano ba iyon?" "Eh sabi mo kasi huwag akong maingay diba?" "Tulog si Narding kanina, ngayon na gising na siya ay pwede kana mag salita. Ano bang nangyayari?" ang tanong nito Lumabas ng kwarto si Cookie at maya maya pumasok ito, parang inulit lang niya yung naantalang emosyon kanina noong bawalin siya ni Bart. "Narding! Jusko!! May mag papakamatay sa sentro! Yung kolumnistang si Carlito De Dios! Tatalon sa mataas na building!!" ang wika ni Cookie sabay bukas ng TV Breaking News: Ngayon mga kaibigan patuloy pa rin ang ating coverage sa pag papatiwakal umano ng isang koluminista na si Carlito De Dios, hanggang ngayon ay nasa taas pa rin siya ng gusali habang tinatawag ang pangalan ng kinababaliwang super hero na si Super Nardo. Naritong footage ng kanyang pag sigaw. "Mag papakamatay ako Nardo! Saluhin mo ako!! Mahal na mahal kita!!!" ang sigaw nito "Hoy Carlito bumaba kana dyan! Hindi kayo bagay ni Nardo!! Panget mo!!" ang sigaw ng mga lalaki at babae sa ibaba. "Mas panget kayo! Mga baliw!!" sigaw ni Carlito. "Mag papakamatay na ako Nardo! Mag pakita sa akin!!" ang sigaw pa niya "Tatalon na iyan! Tatalon na iyan!" sigaw ng mga kaaway niya sa ibaba. At iyan ang latest news ngayon mga sandaling ito. Sana ay matauhan na iyang si Carlito hano dahil sa tingin ko nababaliw na siya dahil sa matinding pag hanga kay Super Nardo. Ako po si Liza Mae Lawit!! Reporting! Live!!" End of report. "Tang ina, hindi ba niya alam na may kasintahan na si Nardo! Hindi ba niya alam na ang boyfriend ng kinababaliwan niya ay isang super model, magandang katawan, gwapo, matangkad at pinapantasya ng buong bansa! Tangina babalian ko ng buto iyang Carlitong iyan!" ang gigil na wika ni Bart "Super model, magandang katawan, gwapo, matangkad at mahangin na si Bart!" ang dagdag ni Cookie Bumangon naman ako at tumayo. "At bakit ka tumayo? Wag mong sabihin sa akin na pupuntahan mo yung gung gong na iyon?" tanong ni Bart na may halong pag kainis "Paano kung may mangyari nga sa kanya? Kung wala nga siya sa sarili at biglang mag patiwakal?" "Kasalanan niya iyon dahil nababaliw siya. Hindi ka aalis, dito ka lang." ang mariing salita niya na punong puno ng otoridad. Maya maya ay nag hiyawan na sa tv, dito ay pinakitang nalaglag na si Carlito at naka kapit nalang ito sa isang naka usling pader habang nag sisisigaw. "Baliw na nga iyan! Tumalon ba talaga!" ang wika ni Cookie Agad naman akong lumabas sa bahay at nag palit anyo bilang si Nardo. Sinubukan akong habulin ni Bart pero hindi na ito umabot sa akin. Noong lumipad ako ay agad silang sumakay ni Cookie sa kanyang sasakyan at sinundan ako. Kitang kita ko ang pag kagigil sa mukha ni Bart noong mga sandaling iyon. Mabilis akong sumibat ng lipad sa sentro ng siyudad kung saan naroroon nga ang nag kakagulong mga tao na naka tingala, sa kanilang itaas ay naroon si Carlito na naka kapit na animo unggoy na nakabitin. Hindi na ako nag aksaya ng sandali, lumipad ako sa kanyang kinalalagyan at dinampot ito mula sa likuran.. Palakpakan ang mga tao sa ibaba.. "Salamat Nardo! Sabi na nga ba ay darating ka at hindi mo ako matitiis." ang wika nito habang marahan kaming bumaba. At pag tungtong aking paa sa lupa at inihagis ko ang kanyang katawan sa harap ng media. Nasubsob ito dahilan para mag tawanan ang lahat. "Hindi mo dapat ginagawang biro ang pag papatiwakal. Ito ba ay isang publicity para sa iyong sarili? Gusto mo ba ay doon nalang kita itapon sa buwan?" seryoso kong tanong "H-hinde Nardo, ginawa ko lang naman iyon dahil gusto kitang makita at makausap. Saka gusto sana kita yayaing kumain sa labas." ang wika niya dahilan para mag react mga tao sa aming paligid. Mayroong sumisigaw na paunlakan ko at mayroon rin namang sumisigaw na si Carlito ay isang taong may bahog sa ulo. "Patawad ngunit ako ay nandito upang siguraduhing ligtas at maayos ang iyong kalagayan. Hindi ko na mahaharap pa ang mga ganyang bagay. Sa iba mo na lamang ialok ang iyong imbistasyon." ang tugon ko "Please naman Nardo, date lang.. Gusto mo bang mag pakamatay ulit ako?" "Gusto mo ba isabit kita ulit pabalik doon sa gusali? Gugulin mo na lamang ang iyong oras sa mas makabuluhang bagay. Aalis na ako." ang tugon ko sabay lipad palayo sa kanila. Kunwari ay sumibat ako sa kalangitan ngunit ang totoo noon ay bumalik lang ako sa aming tirahan kung saan nakita ko si Bart na nakatayo sa likod ng kanyang sasakyan. "Bakit pinatulan mo pa yung gagong iyon?" tanong nito "Niligtas ko lang siya at pinag sabihan." sagot ko "At niyayaya ka sa date. Sige makipag date kana!" ang sagot ni Bart na halatang nag seselos. Natawa ako. "Mas lalo kang gumagwapo kapag nag seselos ka. Pumasok na tayo sa loob, malamig na rito sa labas." tugon ko sabay akay sa kanya Nakatahimik lang ito at halatang wala sa mood. Humarap ako ulit sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha. "Huwag kana magalit. Ikaw lang.." naka ngiti kong salita. "Dapat lang, ako lang ang lalaki sa buhay at itutumba ko ang lahat ng aaligid sa iyo." seryoso niyang sagot. "Syempre naman, takot lang nila sa iyo." biro ko sabay akbay sa kanyang balikat. "Mabuti nalang napigil ko iyang si Bart, biruin mo susugurin si Carlito, balak pang gumawa ng scene sa harap media." ang pang aasar ni Cookie "Talaga! Babaliin ko buto ng tingting na iyon!" ang tugon ni Bart na may inis pa rin. Natawa nalang ako at pina upo siya sa harap ng lamesa, pinag hainan ko siya ng hapunan at inasikasong mabuti na parang isang asawa. Kahit asar na asar ay hindi pa rin niya mapigilang mapangiti kapag sinasalinan ko ng pag kain ang kanyang plato. "Maayos na ba ang pakiramdam mo? Dapat ako ang nag aasikaso sa iyo e." tanong niya Natawa ako. "Okay na ako. Effective yung yakap at halik mo kanina." ang naka ngisi kong sagot. "Ano iyan? May generic ba niyan? Yakapsule at Kispirin lang magaling kana agad? Malandi pala iyang lagnat mo e." tugon ni Cookie na may halong inggit. Tawanan.. Noong mga sandaling iyon ay mag kakaharap kami sa lamesa at sama samang kumakain, maigi kong pinag mamasdan si Bart na noon ay punong puno ang bibig at abala sa pag nguya. Si Cookie naman ay naka nguso at ipinakikita na naiinggit siya sa aming lambingan. Tahimik.. Habang nasa ganoong pag ngiti ako ay bigla na lamang nabura ang liwanag sa itaas ng kisame, napalitan ito ng kadiliman na gumapang sa buong paligid hanggang sa wala na akong makitang kahit ano. Napatayo ako mula sa aking kinauupuan at nag tatakbo ako sa kadiliman. "Bart!!! Cookie!! Nasaan kayo?!!" ang sigaw ko. Pero wala akong makita o marinig na kahit ano.. Patuloy ako sa pag takbo patungo sa hindi malamang direksyon, pilit kong kinapa ang bato sa aking bulsa ngunit walang kahit ano rito.. Habang nasa ganoong pag takbo ako ay bigla na lamang napako sa isang lugar ang aking paa at kasabay nito ang paninigas ng aking katawan. Ang aking mga binti ay kusang nag dikit na para bang may pumapalupot sa akin na isang malaking bagay. Umikot ito sa aking buong katawan at dito ay nakaramdam ako ng paninikip sa aking pag hinga, ang aking mga buto ay parang pinipiga at binabali ng unti unti. Tuluyan na akong hindi naka galaw.. Patuloy ang pag palupot ng bagay sa aking katawan hanggang sa may marinig akong mag salita sa paligid. "Narding, ano ang ginagawa mo dito sa kadiliman? Nandito ka ba para samahan akong muli? Masaya ako dahil naisipan mo akong dalawin dito." ang wika niya na may malamyos at pamilyar na tinig. Lumagutok ang aking mga buto sa katawan.. At sa madilim na paligid at may na nakita akong dalawang liwanag. Ito ay mga mata, dalawang mata ng ahas! Dilaw ito at nag liliyab. "Hayaan mong pawiin ko ang iyong takot Narding." ang wika pa niya sabay dikit ng basang bagay sa aking pisngi, batid kong ito ay kanyang dila. "Tama naaaa! Wala kana! Patay kana Serapin!!!" ang sigaw ko "Pero buhay ako Narding, buhay na buhay. At mag kikita na tayong muli." ang sagot niya sabay bukas sa kanyang nag liliwanag na bibig. Naka amba na ito upang ako ay kainin.. Habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla na lamang ay may dumaang isang gintong liwanag at hinawi nito ang kadiliman, ang pagkakalingkis sa akin ng higanteng ahas ay lumuwag at kasabay nito ang pag kalaho ng kanyang katawan.. Takang taka ako sa pangyayaring iyon at namalayan ko na lamang na tumumba ang aking katawan mula sa bangko na aking kinauupuan dahilan para mapatayo sina Bart at Cookie. "Narding, ayos ka lang ba? Ano bang nangyari? Bigla ka nalang natulala at nabuwal sa sahig?" tanong ni Bart. "Oo nga pinsan, bigla ka na lamang natahimik. Ano bang nangyari?" tanong ni Cookie Noong bumalik sa normal ang aking ulirat ay napaatras ako habang naka salampak. Takot na takot at nangangatog ang aking kalamnan.  Agad akong tumayo at huminga ng malalim na para bang tumakbo ako sa isang malayo at mahabang milya. "Si Serapin! Nakita ko siya! Buhay siya!!" ang sigaw ko na may takot at pangamba. "Ano ka ba, wala na si Serapin, ang kamatay ng isang ahas ay kung mapuputol natin ang ulo nito. Napag tagumpayan natin iyon diba? Matagal nang tapos ang labanan sa pagitan ninyong dalawa at ikaw ang nanalo sa inyong tunggalian." wika ni Bart habang niyayakap ako. "Alam mo pinsan, siguro ay kailangan mo lang ng pahinga, nilalagnat ka pa kasi e kaya nasa state pa ng pag kabalisa ang iyong katawan. Ang kailangan mo ay sapat na pahinga." wika ni Cookie Ako naman ay napatingin lang sa kanilang dalawa, kung pag kabalisa at panaginip lamang ang lahat ng iyon ay bakit masakit ay makirot ang aking buong katawan? Bakit nag karoon ako ng pasa braso at binti? Hindi ko maunawaan kung ano ang nangyayari ngunit ramdam ko na mayroong parating na mag dudulot sa akin ng matinding takot at kabiguan. Itutuloy..    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD