Part 10: Hostage

2766 Words
Ang Tadhana ni Narding Book 2 AiTenshi Oct 10, 2018   Part 10: Hostage "Narding, late na tayo sa event. 2nd founding anniversay ng Sossy Hotel ngayon dapat ay mauna tayo doon para makita natin si Sarah Geronimo." ang pag aapura ni Cookie "Founding? Ano iyan school? Saka bakit ba ganyan ang itsura mo? Bakit naka kimona ka ng blue at brown na saya, green pa iyang buhok mo. Buwan ng wika ba? May hawak ka pang Philippine Flag." pag tataka ko "Ano ka ba cousin, hindi mo ba ako nakikilala?" ang tanong niya habang umiikot sa aking harapan at maya maya ay kumendeng kendeng ito habang kumakanta.. Neol bomyeon ttwineun Maeum maeum maeum Saenggangna maeil bam bam bam Jakku oh naega wae irae bebe Galsurok deo sumgil su eomneun Maeum maeum maeum Neol bomyeon jakku ireoke tto Oh naega wae irae bebe bebe bebe Bae Bae Bae BAAM BAAM Bae Bae Bae BAAM BAAM   "Hindi e, ano ba iyan?" tanong ko naman Tumigil siya sa pag sasayaw at napa padyak. "Ang slow mo naman pinsan e, ako ito si Nancy ng Momoland! At yung sayaw ko kanina ay yung smash hit nila na Baam, baam!!" ang wika niya "Ahh, si Nancy pala iyan. Ang akala ko ay Gremlin ka na. Ayusin mo naman kasi yang wig mo. Saan mo ba kinuha iyan at ang tigas tigas." "Doon sa mannequin na naka display sa ukay ukay. Doon ko rin nabili itong saya at kimona. Ganda no?" pag mamalaki niya. Napa kamot nalang ako ng ulo habang pinag mamasdan siyang sa pag sayaw ala Nancy kuno. "Teka nasaan ba si Papa Bart? Hindi ba siya pupunta?" tanong niya. "Susunod na lang raw dahil pinag uusapan nila yung gagawing cover sa next issue ng magasin kung saan siya mag cocover." "Naku ha, napapansin ko parating busy iyang si Papa Bart, baka maya maya ay may inaasawa nanaman siyang iba! Hmmp!" "Hindi na ganoon si Bart, sa tingin ko ay pinag sisisihan na niya yung pang yayari dati. At isa pa ay naka move on na rin ako sa pang yayaring iyon." naka ngiti kong tugon "Pero sinasabi ko lang sa iyo Narding ha, huwag kang mag paka Lucy Torres sa hinhin dahil baka maagawan ka. Choz! Halika na nga late na tayo!!" sagot niya sabay hila sa akin sa loob ng Taxi Alas 8 ng gabi noong makarating kami sa event. Dito nga ay naabutan namin ang mga artistang quest na nag peperform kaya naman halos mahilo kami ni Cookie sa pag papa picture sa kanila sa back stage. Ito yung event na inaabangan ng mga empleyado dahil maraming ipinamimigay na premyo sa parafle at halos lahat ay nakaka kuha. Noong nakaraang taon nga ay nabunot kami ni Cookie sa cellphone at electricfan. Yung iba naman ay talagang malalaki ang nakukuha katulad ng motor o out of town na trip. "Si Liza Mae Lawit! Biruin mo buhay pala siya! Halika mag pa picture tayo sa kanya!" pag yayaya ni Cookie Lumapit kami kay Liza na noon ay abala sa pag babasa ng kanyang report. Halatang injured ito at mayroon pang bundahe sa braso. Sobra ang dedication niya sa work at sa tingin ko ay hindi ito mapapantayan. "Idol! Ang ganda ganda mo naman." ang wika ni Cookie noong makalapit kami kay Liza Mae "Thanks Fans! Hindi nga ako masyadong nakapag handa. Kaya heto yung gown lang na isinuot ko sa Oscars yung naprepare ko, biglaan kasi eh. Kamusta kayo?" ang hirit ni Liza Mae "Okay naman kami Miss Liza Mae, alam mo ba sobrang nag worry kami sa iyo lalo na noong tangayin ka ng hangin. Sobrang brave mo pala at napaka husay mag report. Sobrang fan talaga ako ng mga Mae Lawit na reporters!" pang eechos ni Cookie "Salamat ha, sa ngayon ay mayroon nang 45 na Mae Lawit reporters ang naka kalat sa iba't ibang lugar dito sa bansa. Yung mga kamag anak ko kasi ay sinundan ang yapak ko kaya nag aral na rin sila ng pag rereporter. Sa susunod na taon ay inaasahang mas dadagsa pa ang bilang ng mga Mae Lawit at iinvade na namin ang lahat ng uri ng media sa bansa mula sa magasin, dyaryo, radyo, telebisyo o kahit sa mga f*******: pa. Diba ang says saya? Kaya nga yung 5 kapatid ko ay tinetrain ko na rin para maging kagaya ko sila." ang wika ni Liza Mae Napangiwi si Cookie at pinag pawisan pero naka ngiti pa rin ito. "Parang Mae Lawit Invasion hano? Parang zombie apocalypse ang datingan." biro ni Cookie Natawa si Liza bagamat napapa kunot ang noo nito pero poise pa rin. "Ikaw talaga bakla ang joker mo. Halika na nga kayo, mag papicture na kayo sa akin dahil may work pa ako." wika ni Liza sabay hatak sa amin ni Cookie sa kanyang tabi para kuhanan kami ng larawan. Tuloy tuloy ang party, habang abala ako sa pag kuha ng pag kain na pansin kong wala ang atensyon ni Cookie sa kanyang paligid dahil kanina pa ito nag papa cute sa tatlong bortang guest na nakatayo malapit sa front desk. Kumikindat pa ang mga ito kaya halos atakihin si Cookie sa sobrang kilig na parang bulateng binudburan ng asin. "Kakain ka ba o mag papa cute?" bulong ko sa kanya "Kumain ka lang dyan Narding, moment ko itey!! Hindi ako papayag na malotlot this time. O ayan yung balat ng lechon, malutong iyan banatan mo." ang wika ni Cookie habang nakatanaw sa mga lalaki. "Bahala ka nga, ang landi mo." ang tugon ko sabay kuha ng pag kain at inilagay ito sa aking plato habang si Cookie ay napapa kagat labi pa at namamalipit sa pag papa cute. Hindi ko na siya pinansin.. Ipinag patuloy ko lang ang pag kain hanggang sa maya maya ay tumayo si Cookie at mabilis na sinundan yung tatlong borta sa labas ng hotel. "Hala, desperado ba?" bulong ko sa aking isipan sabay punas sa aking bibig at dito ay sinundan ko siya. Iyan ang hirap kay Cookie, maka kita lang ito ng gwapo ay nawawala na agad sa kanyang sarili. Pag labas ko sa hotel ay nakita ko si Cookie sa gawing parking lot, ngunit parang may mali dahil hinihilahod nila ito na parang nawalan ng malay kasabay nito ang malakas na pintig ng aking puso dahil sa namumuong kaba. "May nangyayari kay Cookie!!" ang sigaw ko sa aking isipan sabay takbo patungo sa kanila. "Hoy! Bitiwan nyo siya!!" ang sigaw ko Ngunit hindi sila natinag, patuloy pa rin sila sa pag hila sa walang malay na katawan ni Cookie kaya naman agad kong dinukot ang bato sa aking bulsa. Habang nasa ganoong posisyon ako ay bigla na lamang may humampas na matigas na bagay sa aking ulo dahilan para mag dilim ang aking paningin at matumba sa sahig. Wala na akong natandaan pa.. Pag mulat ng aking mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang madilim na eskinita sa pinaka dulo ng siyudad. Hindi na ito masyadong nadaraanan ng mga sasakyan dahil masyadong makipot at wala sa ayos. Nakagapos ang aking kamay at paa sa poste at sa kabila naman ay si Cookie na nag tamo ng pasa sa mukha. "Ikaw kasi e, masyado kang malandi." bulong ko sa kanya. "Malay ko bang kidnappers ang mga gagong bortang! Inakit nyo pa ako, mga bad pala kayo! Saka bakit dito nyo ako dinala? Balak niyo ba akong gahasain ng sabay sabay? Balak nyo akong igang bang diba?" ang sigaw ni Cookie sa mga borta "Aba, hindi ka namin gagahasain! Mainam pang uminom nalang kami ng lason kaysa igang bang ka!" ang wika ng isang borta "Shet kayo ha! Choosy pa ba?" tanong ni Cookie "Iyan ang problema sa mga taong malalandi, napapahamak! Hostage namin kayo at ipapatubos namin ang inyong mga ulo. Kapag nakuha na namin ang pera ay wala na kaming paki alam sa inyo kaya titigukin na namin kayong dalawa." ang hirit nila "Edi sana si Cookie nalang yung dinakip ninyo, bakit pati ako ay idinamay nyo pa?" tanong ko "Syempre kung mag sumbong ka pa sa pulis edi napahamak pa kami! Paano na yung mga subscribers ko sa youtube at yung mga followers ko sa twitter?" sagot ng isa. "Basta pare kapag nagawa natin ito ay bibili ako ng magandang cellphone at camera para mai film natin yung s*x nating tatlo. Pupunta tayo sa magaganda beach at irarampa natin yung mga katawan natin doon. Oorder tayo ng mga mamahaling pag kain at popost natin sa twitter at sa IG para namamuti ang mga mata nila sa inggit!" ang excited na wika ng isang borta na parang hindi na makapag hintay. "Sobrang famewhore mo naman pala. Saka mga bakla pala kayo?" ang tanong ni Cookie "Hindi kami bakla! Mga alters kami at hindi kami pumapatol sa mga katulad mong halatang bakla. Ayaw namin sa mga baklang mukhang unggoy at lalo ayaw namin sa baklang malandi!" pang aasar nung isa Tawanan sila.. "Akala nyo ba mga gwapo kayo? Ke papanget ninyo no, mga hipon! Tapon ulo dahil hindi ito mapapakinabangan! At sa sobrang papanget ninyo ay nag standing ovation yung mga lumpo noong makita kayo!!" ang sigaw ni Cookie "Eh ikaw sa sobrang panget mo hindi na masolve ang mystery sa mukha mo!" hirit nung isa "Ikaw sa sobrang panget mo ayaw ka nang makita ng nanay mo! Sabi niya ay hindi kana niya mahal dahil panget ka! Mahh niggah!!" ang sigaw ni Cookie "Tama na iyan!! Gawin natin ang drama para matapos na ito at mag kapera na tayo." suway ng isang bortang may pinaka malaking katawan sabay lapit sa amin ni Cookie. "Huwag kang lumapit sa akin, ano gagahasain nyo na ba ako niyan? Orgy na ba ito?" seryosong tanong ni Cookie "Gago. Hindi ka niya papatulan dahil sa amin lang ang ari niya." ang wika ng isang borta na may tatoo sabay kapa sa ari ng bortang may pinaka malaking katawan. "Ang laki pa rin nito, hindi nakakasawa." kinikilig na hirit niya "Mas bakla pa pala kayo sa akin! Mga sirenang malalaki ang katawan!" sigaw ni Cookie "Ikaw naman ay sirenang pangit! Akin ang cellphone mo para matawagan ang mga magulang ninyo." utos ng borta "Wala na akong magulang no, at wala kayong makukuha sa pamilya namin dahil mahirap lang kami!" sagot ni Cookie Inagaw ng borta ang bag niya "Wala kaming paki! Akin na iyan! Kapag wala kaming nakuha sa mga magulang ninyo sa loob ng ilang oras ay ibebenta namin ang mga lamang loob ninyo sa mga sindikato. Kaya wala pa rin kaming talo!" "Ginawa niyo ito para sa inyo luho? Para makipag sabayan sa social media? Lalo nyo lamang sinisira ang buhay ninyo. Mga fame w****s!!" ang sigaw ko naman. "Share mo lang! Walang humihingi ng opinyon mo!" pambabara nung isa. Halos tumagal kami ng 2 oras sa loob ng eskinita. Yung tatlo ay may sariling agenda kaya wala silang paki alam sa amin dahil abala silang landiin at hipuan ang isa't isa. "Narding nasaan ang bato?" ang tanong ni Cookie "Nandito sa bulsa, paano ko ito makukuha e naka tali nga tayo." ang bulong ko naman. "Kailangan na nating wakasan ang mga ambisyosang bortang iyan. May naisip akong paraan." ang naka ngising wika niya. "Ano naman?" tanong ko. "Basta sumunod ka na lang sa mga sasabihin ko." ang tugon niya at maya maya ay nag sisigaw ito. "Help!! Heelllppp! Inaatake ng sakit si Narding!!" ang sigaw nito kaya naman nag kikisay ako na parang inaatake ng epelepsy. Pero hindi kami pinansin ng tatlo. Yung isang borta ay abala sa pag dila sa u***g ng kasama at yung isa naman ay subo yung ari ng isa.. "Ano ba iyan, wa epek naman yata." ang bulong ko "Basta mangisay ka lang dyan. Akong bahala." bulong ni Cookie at nag sisigaw nanaman ito. "Juskoo Narding inaatake ka na naman ng sakit mooo! Juskoo wag kang mamatay dahil sayang yung mga milyones mo sa bangko!! Juskoooo!! Hindi nila alam na milyonaryo ka tayong dalawa lang ang nakaka alam nonnn! Nardinggg wag mo akoong iwaannnnn!!! Tulong!!!!" ang umiiyak na sigaw ni Cookie Bilang tumayo ang mga ulo nang mga borta noong marinig ang salitang milyon. "Ano ba iyan?! Istorbo kayo ahhh!! Ano bang nangyayari sa kaibigan mo may sakit ba iyan?!" tanong ng bortang naka brief lang "Obvious ba? Nangingisay na nga diba? Edi may sakit nga! Jusko Narding!! Wag kang mamatay dahil sayang ang milyon mo sa banko!!" pag iyak pa ni Cookie "Totoo ba yung sinasabi mong milyonaryo to?" tanong nung isa "Yes!!! Ang totoo nun nung birthday niya ay ginawa niyang taga serve ng kikiam yung mga member ng momoland at bts. At ginawa rin niyang taga prito ng fishball sina Sarah G at Ronnie Alonte. Hindi lang siya mayaman kundi mayamang mayaman. Kapag nategi siya edi walang makikinabang sa pera niya dahil wala na siyang pamilya." ang hirit ni Cookie "Paanong gagawin namin para matulungan itong kaibigan mong nangingisay?" "Diba sa mga pelikula nag lalagay ng matigas na bagay sa bibig ng inaatake? Kaya mag lagay din tayo ng matigas na bagay sa kanyang bibig. Wag tite ha, ayaw niya ng nyan. Kung gusto nyo ay sa akin nyo ilagay!" ang sagot ni Cookie sabay nga nga. "Puro ka kalokahan dyan e gusto mong bigwasan kita?" ang asar na tanong nung isang borta "Eto naman di mabiro, di naman kita aagawan ng etits no, sayo lahat ng etits sa planet Earth! Alam ko na nakikita ko tuwing aatakihin siya ng sakit ay mayroon siyang kinakagat dyan sa bulsa niya. Isang therapy stone achu achu ganern. Basta kunin nyo yung bato dyan sa bulsa niya at isaksak dyan sa bibig niya!" utos ni Cookie Ako naman ay patuloy pa ring nangingisay. Parang nag eenjoy na ako sa ganitong pag arte. Napakamot ng ulo ang mga borta wala silang nagawa kundi ang ihiga ako at dukutin ang bato sa aking bibig. Noong makuha nila ito ay agad nilang isinalaksak ito sa aking bunganga. "Ayan yung bato mo! Lunukin mo at sumigaw ka ng Darna! Tigil sa pangingisay!! Uupakan kita e!" ang sigaw ng bortang may tattoo tapos ginaya niya ako saka sila nag tawanan.. Noong mapunta sa aking bibig ang bato ay laking gulat nila noong lunukin ko nga ito. "Nilunok nga pare! Adik pala to e! May tililing sa utak! O ngayon sumigaw ka ng Darna!" ang utos nila Tawanan nanaman.. Sumigaw nga ako at tinatawag ang pangalan ng anghel na nag bigay sa akin ng bato! "NARDO!!!" Nag liwanag ang buong paligid at nag labas ng malakas na pwersa ang aking katawan. Agad akong bumangon ay winasak ang pag kakagapos ng aking mga kamay. Kinalagayan ko rin si Cookie na noon ay tawa ng tawa dahil tagumpay ang aming plano. Gulat na gulat ang tatlo noong makitang nakatayo ako sa kanilang harapan. "Hindi dapat kayo nang aabuso ng kapwa para lamang masunod ang inyong mga luho. Bakit hindi kayo mag pakatotoo dahil hindi naman ito nakaka mamatay? Kung araw araw ninyong iimpressed at papasikatan ang mga tao sa paligid ninyo ay habang buhay ninyo na itong gagawin at pag dudusahan. Mabuti pang kamuhian kayo o kaasaran ng mga tao sa totoo kayo kaysa mahalin kayo sa peke ninyong pag katao. Ang isang simpleng tao ay kusang kalulugdan at mamahalin ng tao sa paligid niya kung nag papakatotoo siya sa sarili niya. Isang malaking pag kakamali na mabuhay kayo sa anino ng isang huwad na buhay. Ito ang sisira sa inyo sa bandang huli." ang pangaral ko sa mga kidnappers. "Waaaaffaaapeeett!!!!" ang tugon ni Cookie na parang isang pokemon. Napaatras ang mga borta at itinutok sa amin ang dala nilang baril kaya naman mabilis akong kumilos at isa isa silang pinitik dahilan para tumilapon ang kanilang mga katawan sa ere. Bahala na kung saan sila pulutin o kung masaktan man sila, iyon nalang ang kabayaran sa kanilang katarantaduhan. "Pitik lang talaga?" tanong ni Cookie "Oo bakit? Malakas na iyon para sa isang ordinaryong tao. Baka nakarating na sila sa kabilang siyudad." sagot ko "Hay nako, sana sa ari mo pinitik para nasira ang karir nila sa pag bobomba sa social media. Tara na nga, uwi na tayo." pag aaya ni Cookie habang pinupulot ang aming mga gamit na naka kalat sa lupa. "Sandali.." bulong ko Napahinto siya..   "Bakit?" tanong niya "Dito ka lang sa likod ko. Mayroon tayong bisita." sagot ko habang naka tingin sa madilim na eskinita. Dito ay isang mahinang yapak ang aming narinig at mula sa madalim na lugar na iyon ay lumakad ang imahe ng isang lalaki patungo sa amin.. Ang lalaking ito ay si Pablo.. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD