CUAREZ SERIES #2
“You can take this heart. Heal it or break it all apart. No, this isn’t fair. Love me or leave me here.”
Paano niyo nga ba malalaman kung compatible kayo para sa isa’t isa? Paano niyo nga ba masasabing siya na ang nakatadhana para sayo? Nakatatak na sa isip nina Audrienne Faith Cuarez at Trystan Kenzo Montederamos na sila na nga talagang dalawa ang naitadhana para sa isa’t isa dahil sa tagal na nilang magkasama bilang magkarelasyon. Their relationship was unexpected but they didn’t regret that they’ve met. After proposing, they’ve decided to live under the same roof to know if they’re really compatible for each other. The first week was smooth not until the circumstances started to appear. Sinubukan naman nilang dalawang ayusin. Noong una ay nagawa pa nilang ayusin ang relasyong unti-unti nang nagkakalamat ngunit dumaan pa ang ibang problema sa kanila na para bang isang buhawing biglang sinira ang isang maayos na lugar. Sinubukan nila ang lahat kagaya ng una nilang ginawa ngunit tadhana na yata ang nagdesisyon na tumigil na sila para makapagpahinga. Ano nga ba ang dapat gawin kapag napagod? Magpahinga.
Audrienne is tired. Trystan is tired. Pero, magagawa pa nga ba nilang kapitan ang relasyon nila na unti-unti nang dumudulas sa mga palad nila? Will they still choose to love each other or they will just leave even though they love each other?