C3- Curiosity

1677 Words
"Huh?" daing ni Lian na hindi makapaniwala sa sinabi nito. "Pero kalahati na lang ang natira sa binigay niya sa akin kagabi. At wala ako trabaho to give back the half of it. Ano ba 'yan? Bakit ba kasi nakatakas ang babaeng 'yun? Anong nangyari?" pagsisisi niya sa sarili. "Anong huh? Don't tell me naubos mo na 'yung binigay ko na one hundred thousand?" pagtataka ni Mr. Kim. "Hindi pa naman. May kalahati pang natira," komento ni Lian na nagsabi ng totoo rito, at ngumiti siya rito sweetly to divert their attention. "Kalahati??? Nagastos mo kaagad 'yung kalahati?" laking gulat na tanong ni Mr. Kim dahil hindi siya makapaniwala sa babaeng kaharap niya ngayon. "Well, bumili ako ng maraming brand items online at parating na silang lahat. I cannot just take it back," tugon ni Lian na biglang nakaramdam ng nerbyos dahil hindi niya alam kung paano niya maibabalik dito ang perang binigay sa kaniya kagabi. "Then, sell it back. Tubuan mo lang ng kaunti para may kita ka. Mahirap ba 'yun?" aniya na binigyan pa ito ng suggestion. "What? No. I'm not gonna sell it back. I've been wanting those brand items," reklamo ni Lian na hindi napigilan ang bibig niya. "You have no choice, Lian. It's either you sell it back, or you sell yourself to me. I'd rather take you kaysa sa babaeng dinala mo sa akin kagabi na wala naman kwenta," manyakis na tawa ni Mr. Kim, at humakbang siya ng isa papalapit dito. "What? Hell, no," mabilis na tanggi ni Lian, at humakbang siya patalikod just to stay away from him. "Then, you have to give back the fifty thousand. You have one week. And if you don't take it back in time, I know where to find you," pananakot ni Mr. Kim, at umalis na siya kasama ang mga tao niya. "One week? At saan naman ako kukuha ng fifty thousand in one week? Ano ako, mamamalimos sa kalye?" inis na sambit ni Lian sa sarili, at sa kapatid na hindi nagtagumpay ang plano niya rito. Meanwhile, si Aida ay nasa kwarto niya at nakaharap sa laptop niya. Tinitignan niya ang lugar ampunan kung saan siya nanggaling dati. "Okay, nakatayo pa ang dating ampunan kung saan ako nakuha nila Mama. Alam ko na I'm in a better place right now, pero gusto ko pa rin malaman kung sino ang mga tunay kong mga magulang. At gusto ko sila tanungin kung bakit nila ako pinaampon. Sana ay nandun pa si Sister Imelda, ang madreng nag-aruga at nagpalaki sa akin," bulong niya sa sarili habang sinusuri ang lugar. Eventually, nakatayo na sa harap ng bahay ampunan si Aida. Pinagmasdan niya ang bahay na halatang luma na dahil sa pintura at itsura nito, at tumuloy na siya sa loob. Kumatok siya tatlong beses, at saka nag-doorbell nang isang matandang babae ang nagbukas ng pinto sa kaniya. "Ano ang mapapaglingkod ko sa iyo, binibini?" magandang bati ng matandang babae. "Hello po, good afternoon. Ako po si Aida Salazar. Dito po ako nanggaling. Nandiyan pa po ba si Sister Imelda?" aniya, respectfully. "Oo, anak, nandito pa siya. Tuloy ka. Ako nga pala si Sister Rosas," nakangiting sambit ng matandang babae. "Nice to meet you po, Sister Rosas. Ilan taon na po kayo nandito? Kasi parang wala pa po kayo dito nung umalis ako ng 7 years old ako," tugon ni Aida na may pagtataka habang naglalakad sila sa hallway. "10 years na ako dito, anak." "Ah. Wala pa nga po kayo nung umalis ako dito, 15 years ago," maikling komento ni Aida na may kaunting tawa. "Nandito na tayo, anak. Tuloy ka," Sister Rosas told, at kumatok siya sa pintuan bago ito buksan. "Sister, may naghahanap sa iyo," aniya, at pinatuloy na ito. Pumasok si Aida tulad ng senyas ni Sister Rosas, at sinarado na nito ang pinto, leaving her alone inside. "Hello po, Sister. Ako po si Aida Salazar. Natatandaan niyo pa po ba ako? Ako po 'yung batang pinalaki niyo until 7 years old na may balat po sa gitna ng dibdib na hugis butterfly," pagde-describe ni Aida sa sarili para madali siya maalala nito. "Ah. Naalala kita, anak. Ikaw 'yung bibong bata noon na napakabait na lahat ng tao dito ay gusto ka. Maupo ka, anak," nakangiting tugon ni Sister Imelda, at inalok ito maupo sa harap ng desk niya. "Thank you po. Masaya po ako at naalala niyo pa po ako, Sister, kasi ako po hindi ko po kayo makakalimutan. Kayo po kasi ang nagpalaki sa akin dito, at nag-aruga since baby pa po ako," naiiyak na kwento ni Aida na nakangiti habang pinagmamasdan ito. "Syempre naman, anak. Hinding-hindi kita makakalimutan, at ang nakakamanghang balat na hugis butterfly sa dibdib mo. Pero ano ba at napadalaw ka dito, anak?" nakangiting aniya rin ni Sister Imelda. "Kasi, Sister, gusto ko lang po malaman kung kilala niyo po ba 'yung taong nagbigay sa akin dito? Namukhaan niyo po ba siya? Gusto ko po sana hanapin ang tunay kong mga magulang. 'Wag po kayo mag-aalala, hindi ko po sila gagambalain. Gusto ko lang po malaman kung bakit nila ako pinaampon. Hanggang ngayon po kasi ay hindi maalis sa isipan ko kung paano po ako napunta dito, at bakit po nila ako pinaampon," seryosong wika ni Aida na determinado na malaman kung saan siya nagmula at bakit siya pinaampon ng mga magulang niya. "Naku, anak, ang pagkakaalaala ko noon, may nag-doorbell sa pintuan, at pagkalabas ko ay nakita na lang kita sa isang basket na may note na ang nakalagay ay 'Aida Salazar'. Tumingin ako kahit saan, pero walang tao," malungkot na replied ni Sister. "Note? Nasa inyo pa po ba 'yung note?" "Oo, nandito pa. Teka, at kunin ko." At tumayo si Sister sa kaniyang upuan kahit na nanghihina siya dahil sa katandaan niya. Binuksan niya ang isang steel cabinet, at doon ay hinanap niya ang file ni Aida. Then, nilabas niya ang brown folder na may name ni Aida, at kinuha niya ang nasa loob nito na blue paper. "Ito, anak, tignan mo," aniya, at sinarado na niya ang cabinet, at naupo na ulit. Pinagmasdan naman ni Aida ang asul na papel na may nakasulat nga na pangalan niya in a cursive handwritten. Pero bukod sa pangalan niya ay wala na nakasulat na ipinagtaka niya. "Diyan ko kinuha ang pangalan mo, anak," sambit ni Sister. "Natatandaan niyo po ba kung kailan ako dumating dito?" sunod na tanong ni Aida na umaasa pa rin na mahahanap niya ang taong nagpaampon sa kaniya. "Ah...teka, nandito 'yung papel mo. Sinulat ko sa temporary birth certificate mo ang date na dumating ka dito." At nilabas ni Sister ang isang bond paper na halatang luma na, at binigay ito kay Aida. "September 16, 2002," banggit ni Aida pagkakita niya ng date. At saka siya tumingin ulit kay Sister at sinabi, "At ito din po ang birthday na binigay niyo sa akin?" tanong niya rito. "Ay, oo, anak. 'Yun din ang nilagay ko dahil hindi namin alam kung kailan ka eksaktong pinanganak, kaya nilagay ko na lang sa date of birth ay 'yung araw na dumating ka dito sa amin," sagot ni Sister, at ngumiti ito sa kaniya. Napaisip si Aida habang pinagmamasdan ang papel nang biglang may sumagi sa isip niya. "Tanong ko lang po, may cctv po ba kayo noon sa pintuan niyo?" tanong ni Aida na lumakas ang t***k ng puso niya nang makahanap siya muli ng pag-asa. "Ang alam ko meron, pero panigurado, anak, corrupted na ang mga kuhang video," aniya, at binuksan niya na may susi ang drawer sa right side niya kung saan nakatago ang mga usb drive. "Ito, anak, 'yung usb nung araw na 'yun. Tinago ko talaga 'yan kasi alam ko babalik ka at hahanapin mo 'yan balang araw. At dumating na nga ang panahon," aniya, at ngumiti siya ulit dito. "Salamat, Sister. Maraming salamat po," masayang sabi ni Aida, at nilapitan niya si Sister para bigyan ito ng mahigpit na yakap mula sa kaibuturan ng puso niya na lubos na nagagalak dahil sa wakas ay may lead na siya kung sino ang nag-iwan sa kaniya sa bahay ampunan. Dali-dali umuwi at pumunta sa kwarto niya si Aida para matignan ang laman ng usb drive sa laptop niya. At nang buksan niya ay nag-play naman ang video, pero malabo na ito. Pinaulit niya ang video, at kahit sa ilang pause niya ay hindi niya maaninag ang mukha ng taong umiwan sa kaniya sa bahay ampunan. "Hindi ko talaga makita. Pero at least, alam ko 'yung suot niya that day. Lether jacket na itim na may red shirt na panloob, at nakapantalon ito," aniya, then, naalala niya ang height niya sa pintuan at doorbell. "Kung ako ay 5 feet and 5 inches, 3/4 na ng pintuan, na may kataasan na 5 feet and 8 inches, pero siya ay lagpas ng pintuan, ibig sabihin ay more than 5 feet and 8 inches siya. Sa hula ko mga 6 feet. Wait, babae ba siya, or lalaki? Hindi ko ma-determine dito sa video, eh," aniya na may pagtataka pa rin. On the other hand, isang matangkad at mukhang nasa 50s na ang itsura dahil sa maraming puting buhok nito, at balbas sarado nito ang tumayo sa harap ng isang matandang lalaki na may baston. "Ano, nahanap mo na siya, Rolando?" tanong ng matandang lalaki. "Yes, President Wang. Ito po ang file niya," reported ni Rolando na binigay ang isang white folder. Binuksan ni President Wang ang folder, at tumambad sa kaniya ang mukha ni Aida at sina Mr. and Mrs. Paris, pati na rin si Lian. "Wonderful. Keep an eye on her, and make sure na wala siya mahahalungkat sa nakaraan niya. Dahil kung hindi, lahat-lahat ng pinundar natin ay mapupunta lang sa wala. At hindi ako makakapayag na after all these year na pinaghirapan ko ay mapupunta lang sa kaniya," wika ni President Wang na sinarado ang folder, at hinagis ito sa lamesa na nasa harap niya. "Yes, President Wang, masusunod po," aniya, at iniyuko niya ang ulo niya mula rito bago ito umalis. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD