Chapter 2

2466 Words
“BAKIT mo ba kasi ipinipilit ang gusto mo? Sinabi ko naman sa’yo na hindi papayag si Ate Luz! Nakukuba nga sa pagtinda ‘yong isa mapag-aral ka lang, babanatan mo ng pagtigil!” sermon sa akin ni Nicole. Kagagaling ko lang sa school. Imbes na umuwi sa bahay ay dito muna ako sa parlor niya dumirecho. Maaga pa naman kasi. Siguradong bago dumating si Nanay ay nakapagsaing na ako. “Hindi naman ako titigil para sa wala lang, Nicole.” katwiran ko. “Gusto ko lang mag-full-time sa pagtatrabaho. Sayang ang panahon ko sa school e, wala naman akong naiintindihan. Ang dami pang nanggugulo sa akin kaya hindi healthy ang environment ko.” “H'wag mo kasing pansinin! At yang sinasabi mong nahihirapan ka sa mga aralin n’yo, iyon ay dahil ayaw mong intindihin. Matalino ka naman. Nakatuon kasi ang isip mo sa kung paano ka kikita ng pera. Magfocus ka muna sa pag-aaral mo, Iha! Hindi ka man kumita ngayon ng pera, kapag nakatapos ka ng pag-aaral, magiging secured na ang kinabukasan mo. Ang pera nauubos pero, ang edukasyon, dala-dala mo ‘yan kahit saan ka magpunta.” Napabuga ako hangin. Wala kasing ipinagkaiba ang mga sinabi ni Nicole sa mga sinabi ni Nanay. Naagaw ang pansin namin nang may bagong pasok na customer. Isa sa mga pinakamatagal nang suki sa parlor si Digna. “Hello, Donya! Lalo ka yatang pumuti sa nilaklak mong gluta! Anong ipapagawa mo ngayon?” masayang bati ni Nicole dito. “Pedicure lang, Nikki. May lakad kasi ako mamaya,” anito sabay kindat sa amin. Agad tinawag ni Nicole ang manikyurista. Inihanda ko naman ang upuan para kay Digna. Pum'westo si Aling Marita para linisan ito ng kuko sa paa. Nakita kong kinuha ni Digna ang mamahaling cellphone at sinagot ang tumatawag dito. “O, bakit na naman?” Hindi na namin naituloy ang pag-uusap ni Nicole. Inatupag na kasi nito ang kaha ng parlor. Kumuha na lang ako ng basahan at nagpunas-punas. Bukod kay Digna ay may dalawang customer na nakasalang, isang nagpapagupit ng buhok at isang nagpapa-rebond. “Ano? Sigurado ka ba?” Agaw-atensiyon ang malakas na boses ni Digna. Napatingin ako sa kaniya at kita ko kung gaano kapula ang leeg nito na halatang galit na galit. “Puny*tang babaeng ‘yan at dadayain pa yata tayo!” Tumingin ako sa ibang customers. Ang babaeng ginugupitan ay tila walang pakialam sa pagmumura ni Digna. Ang nagpaparebond naman ay mukhang nakatulog sa paghihintay na kumapit ang gamot sa buhok niya. Tuloy naman sa pagkulkol ng kuko ni Digna si Aling Marita. “Sabihin mong hintayin niya ako at magtutuos kami! Ang lakas ng loob na iprisinta ang sarili, nagpahind*t na pala sa kung sino!” Napaawang ang mga labi ko. Bagaman sanay na akong maringgan si Digna ng mga garapal na salita ay hindi ko pa rin maiwasang mag-react. Pagtingin ko sa kaha ay wala roon si Nicole. Ibinalik ko na lang ang pansin ko kay Digna. “Sige, sige, pupunta ako ngayon kay Wilson at baka may mairekomenda ang isang ‘yon! Ang tapang ng apog ng babaeng ‘yan, sisirain pa ako sa kliyente ko! Sige na, magkita tayo mamaya!” Tinapos nito ang tawag at ibinaba ang cellphone. “Sinong kaaway mo, Donya at nanggagalaiti ka riyan kanina?” tanong ni Nicole na biglang sumulpot sa tabi ni Digna. Umiba ako ng pwesto para mas mapakinggan ang usapan nila. “Aba, ‘yong babaeng dinala sa akin ni Tasha, hindi pala birhen! E, ang hanap ng kliyente ko ay purong birhen! Dadayain pa kami samantalang sinabi ko nang kailangan ng sertipiko ng doktor.” “Ibang klase naman ‘yang kliyente mo! Dapat may katibayang papel?” ”Hay, naku, Nikki, ibang klase talaga! At magtatapon ng pera para lang sa isang gabi!” Humalakhak si Nicole. “Good luck sa’yo, Donya!” Nang makabayad si Digna ay pasimple kong inilagay sa isang tabi ang hawak kong walis tambo. Hinintay kong lumabas siya ng parlor. Pagkatapos ng isang minuto ay nagpaalam ako kay Nicole na pupuntang tindahan. Dali-dali akong lumabas at hinabol si Digna. Nakatawid na siya ng kalsada nang maabutan ko. “O, bakit, Celine? Nagmamadali ako, anong kailangan mo?” “E… narinig ko kasi ang pinag-usapan n’yo kanina ni Nicole. Tanong ko lang… magkano ba ang ibabayad ng kliyente mo para sa isang gabi lang?” Nagkagatla ang noo nito. “Bakit? H'wag mong sabihing interesado ka, baka sugurin ako ng nanay mo, ayoko ng problema, ha!” “Paano naman malalaman ni Nanay? Magsusumbong ka ba?” Napanganga ito. “Aba, e di interesado ka nga talaga! Lokang bata ito, aanhin mo ba ang pera?” “Digna, ano bang klaseng tanong ‘yan? Ikaw nga na asensado na, naghahanap pa rin ng pera, ako pa kaya?” Hindi ito agad nakakibo. “Alam mo ba kung ano ang balak mong pasukin, Celine?” “Oo naman. Parang hindi naman kita kilala. Magkano ba ang ibabayad ng kliyente mo?” “Isandaang libo.” Nalaglag ang mga panga ko. “Gano’n kalaki ang ibabayad para sa isang gabi lang?” “Aba, lokang bata ito! Huwag mong minamaliit ang trabahong ‘yan! Katawan mo ang nakataya riyan!” “Virginity lang naman ang mawawala sa akin, a. Ang pagkatao ko sa akin pa rin. Ang katawan ko, buo pa rin.” “Paano kung matandang amoy-lupa na ang kliyenteng gagamit sa’yo? Maatim mong halik-halikan ka? Lamas-lamasin ka?” Pasimple akong lumunok. “B-bahala na. Hindi ko na iisipin ‘yon...” sagot ko bagaman kinabahan talaga ako. Ang totoo ay hindi ako sigurado kung kakayanin kong magpagalaw sa kung sino lang. Paano nga kung matandang hukluban pa ang magiging kliyente ko? Masisikmura ko ba talaga ‘yon? “Ibang klase ka rin, Celine! Bibigyan mo ng sakit sa puso ang nanay mo. Bakit ba, ha? Wala ka bang pangmatrikula?” “Hindi naman sa gano’n. Aba, Digna, isandaang libo ‘yon! Mahirap hanapin ‘yon.” “Ilang taon ka na ba? Bata ang gusto ng kliyente ko pero, kung menor de edad ka, pasensiyahan na lang.” “Eighteen na ako. Ano, okay na ba tayo?” “Hindi pa. Marami pang hinihinging requirements ang kliyente ko bago ang dyug-dyugan.” Nagusot ang noo ko. “A-anong requirements?” “Magpapa-eksamin ka muna sa ni-refer niyang doktor. Kailangan may certificate na virgin ka pa talaga. At pagkatapos ka niyang gamitin, i-eeksamin ka ulit ng doktor para may katunayan naman na napunit na ang hymen mo.” “Ano? Kailangan pa ba ‘yon?” di-makapaniwalang tanong ko. “Oo nga! 'Yan daw kasi ang collection ng kliyente ko. Kung saan-saan pang lugar nagpupunta para magbayad ng birhen.” Hindi ako makapaniwala. Ibang klaseng collection naman 'yon. At ang mahal! “Sa Biyernes ang dating ng kliyente. Maganda ka naman at makinis. May hubog pa ang katawan. Pasadong pasado ka na!" ani Digna. "Ganito, magkita tayo bukas ng alas-dos ng hapon sa clinic ni Dra. Jimenez. Kapag hindi ka sumipot, ibig sabihin, umaatras ka. At hindi mo na ako malalapitan ulit oras na hindi ka magpakita sa akin bukas, tandaan mo ‘yan!” Hindi ako nakasagot. Tumalikod na si Digna at sumakay sa kotse nito. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- “WE have two hours before our performance tonight. See you later, pips!” wika ng leader ng banda at vocalist na si Jeric. Tumango ito sa akin. Isa-isa silang nag-alisang apat upang tumungo sa back stage. Tumayo na rin ako. Iniabot ko sa assistant ang ginamit kong drum sticks bago bumaba ng stage. Nagsisimula nang mag-ayos ang ilang waiter at tauhan ng resto-bar. In an hour ay magbubukas na ulit ito. Lumapit ako sa mesa sa isang gilid kung saan mag-isang nakaupo si Kyle. Malaki ang ngiti niya habang nanonood sa paglapit ko. He’s been on that table for almost half an hour. Magka-batch sina Kyle at ang pinsan kong si Matthew simula pa nang high school. Matanda siya sa akin ng tatlong taon pero mas naging magkaibigan kami kesa sa kanila ng pinsan ko. “Kyle Fuentabella!” nakangiting bati ko at itinaas ang dalawang kamay sa kaniya. “Grant Zamora!” Tumayo naman si Kyle at sinalubong ako ng yakap. Sa pagkakatanda ko sa huli naming usapan, nagpunta si Kyle sa Cebu noong nakaraang linggo para sa isang ‘important business’. “What a performance, pare! Parang hindi rehearsal lang, ah! And by the way, belated happy birthday! Ano bang gusto mong regalo?” Napatawa ako. It was my birthday last Tuesday. Hindi ko nga naalala ang tungkol doon kung hindi pa ako tinawagan ni Mommy para batiin. Then Matthew sent his text greetings. Tinapik ko si Kyle sa balikat. “Mamaya natin pag-usapan ang tungkol d'yan. Maupo muna tayo." Bumalik si Kyle sa pwesto niya at doon naman ako sa katapat na silya naupo. Kinawayan ko ang waiter na nasa malapit at nanghingi rito ng maiinom. Pagkatapos ay hinarap ko agad si Kyle. “Hindi ba nasa Cebu ka? Kailan ka pa dumating?” “Kahapon lang. Tapos na ang business ko sa Cebu kaya umuwi na rin ako.” “Paano mo nalaman na narito ako? Wala akong pinagsabihan ng tungkol sa pagbabanda ko?” Tumawa si Kyle. “Ako pa ba ang tatanungin mo? Alam mo namang marami akong koneksiyon. Kahit saang sulok ng mundo ka magpunta, mahahanap kita at malalaman ko kung ano ang ginagawa mo.” Napailing na lang ako sa sagot niya. I don’t doubt it. Maimpluwensiya ang pamilyang pinagmulan ni Kyle at pinakikinabangan niya nang husto ang estado nila sa lipunan. Dumating ang hiningi kong beer sa waiter. Inilapag nito ang mga bote sa mesa. Pag-alis ng waiter ay saka pa nagpatuloy ang usapan namin. “Anyway, pare, I have an important business here that’s why I’m back. Gusto mo bang hulaan?” I smirked. Tumaas ang mga kilay ko at tiningnan si Kyle. When he talks about important business, isang bagay lang ang tinutukoy niya. Ngumisi si Kyle bago kampanteng isinandal ang likod. “Okay. Kung ayaw mong manghula, sasabihin ko na lang. My next virgin is a student from Sulayman University. Sa pinagtuturuan mo mismo.” Hindi ako nagulat sa sinabi ni Kyle. Without changing my reaction, I comment, “Interesting. Anong pangalan ng susunod mong biktima?” Tumawa si Kyle. Imbes na sagutin ako ay may kinuha siya mula sa inside pocket ng suot niyang coat. Isang puting envelop ang inilapag niya sa harapan ko. Hindi na ako nag-abalang kunin at tingnan iyon dahil sigurado na ako kung anong laman ng sobre. “Nariyan ang pangalan niya sa doctor’s certification. See, pare? Another certified virgin will be added to my collection!” Napailing ako. Hindi ako santo at alam ko ang kapasidad ko pagdating sa s*x. I do casual affairs and go for one-night-stands pero, hindi ako kasing abnormal ni Kyle na ginagawang koleksyon ang mga babaeng birhen. “The girl will be my 36th virgin! Sa pagkukwento sa akin ng ahente, hindi pa raw nagkaroon ng nobyo ni minsan. And I can’t wait to see her personally tomorrow night.” Kyle also keeps a special clear book folder kung saan naka-compile ang mga impormasyon at larawan ng mga babaeng nabili niya ang virginity. Isang beses ko lang nakita ang laman noon noong ipinagyabang niya sa barkada on the night of his birthday a year ago. The youngest girl he bedded was only sixteen, ibinugaw raw ng sariling magulang. “Do you want to see her?” tanong ni Kyle an pumukaw sa pag-iisip ko. Nakangisi ito habang dinudukot ang cellphone. “Take a look, Grant. The agent sent her picture to me this afternoon. Baka estudyante mo na pala ang next virgin ko?” Hindi ako sumagot. Hindi ako interesadong alamin kung sino ang estudyanteng nasilaw sa pera ni Kyle. I don’t give a d*mn to other people’s business but, compared to those women who directly ask of me for s*x, mababa ang tingin ko sa mga babaeng nagbebenta ng sarili nila. Maya-maya ay iniharap ni Kyle sa akin ang screen ng cellphone niya. I switch my sight to his phone. At sa unang tingin pa lang sa mukha ng estudyante ay nakilala ko na agad ang dadagdag sa koleksiyon ni Kyle. Hinawakan ko ang cellphone at tinitigang mabuti ang nasa larawan. Bagaman hindi ko ito estudyante ay madalas kong makita ang babaeng ito sa university. Sa tanda ko ay dalawang beses itong nasangkot sa gulo. Tahimik kong ibinalik ang cellphone. Tiningnan ko si Kyle. May pagmamalaki sa reaksiyon nito. Why not? The girl is a looker. Dinampot ko ang envelop sa mesa at binuksan. Binasa ko ang nakasulat doon. Hindi ako nagkamali. Kyle’s next virgin is Celine Macaraeg - the girl who is constantly bullied by her classmates. “The girl’s pretty, right?" untag sa akin ni Kyle. "At halatang inosente. Well, she will not just benefit from me financially. Matututo pa siya sa akin nang maraming bagay." Sinundan niya iyon ng tawa. Nakangisi ako nang iangat ang tingin sa kaniya. “May nalilimutan pala tayong pag-usapan, pare? Tinatanong mo ako kanina, 'di ba?" "Hmm? Tungkol saan?" "My birthday gift." Napahalakhak naman si Kyle bago nagkibit ng balikat. “Sure, pare! Ano bang gusto mo?” I lean on the table. Sinalubong ko ang tingin niya at saka itinaas ang papel na hawak ko. “I want this virgin as my gift.” Nawala nang dahan-dahan ang ngiti ng kasama ko. Nagsalubong nang bahagya ang mga kilay niya at tiningnan ako nang may pagdududa. “Are you serious? Holy cow! Don’t tell me, estudyante mo ang babaeng ‘yan?” nagugulat na tanong niya. “No, she's not my student. And yes, I am serious.” Maingat kong itinupi ang doctor’s certification bago ipinasok sa envelop. “I can't believe this! Parang gusto kong magsisisi na ipinagyabang ko pa sa’yo!" nakangising wika niya. Nagusot ang noo ko. “Come on, Kyle! Minsan lang ako humiling sa’yo, hindi mo pa ‘ko pagbibigyan?” Napalis ulit ang ngiti niya sa mukha. Umiling siya sabay kuha sa bote ng beer. “Iba na lang ang hingin mo. Alam ko na, ibibigay ko sa’yo ang isa sa mga sports cars ko. Mamili ka lang sa mga ‘yon. I’m willing to give my car to you but, not my 36th virgin.” “I can have my own sports car, too, Kyle, kung gugustuhin ko lang at alam mo ‘yan,” sagot ko. “And you, you can find another girl that will fill the empty space on your special folder.” “I’m sorry, Grant, but it’s still a no! Okay?” mariing wika niya na sinundan pa ng mga pag-iling bago lumagok sa hawak na bote ng beer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD