"Bayotz, hindi ko alam," sagot ko sa kaniya at kinuha ko rin ang sa akin at sinubukan kong ipagdikit. "Naks, naman ito, oh!" maktol ni Shandle. Natawa ako sa kalagayan naming dalawa, hirap talaga kung ignorante ka. "Sandali, tanungin ko muna si ma'am DI," sabi ko sa kanya. "Sige, pero shudi mong lakasan ang boses mo, ha. Nakakahiya,teh!" bulong niya. "Sige, ikaw na lang magtanong," pasa ko naman sa kaniya. Siya nga ang nagtanong kay ma'am DI at idinaan niya sa pabulong sa tainga. Itinuro naman ni ma'am DI sa amin. "Ay ... s**t! Easy lang pala! Pinahirapan pa ako," aniya at tawang-tawa naman ako. Hanggang sa nakalipad na ang eroplano at sinabi ni ma'am DI sa akin na mahigit apat na oras kami makarating. Medyo mahaba-haba rin ang aming biyahe kaya minabuti ko na lang na makatulog m