SA SANDALING iminulat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang aking sarili na nakagapos sa punong bulwagan habang nakatayo. Sa aking tapat naman ay isang parihabang entablado kung saan nakagapos si Hannah na kasalukuyang walang malay. Nakatayo lang siya habang ang kanyanh katawan ay nakasandal sa isang mahabang haligi. Damn! Pinilit kong kumawala mula sa kadenang nakagapos sa akin ngunit hindi ko magawa. Gawa kasi ito mula sa kapangyarihan ng Panginoong l**t. Singtatag niya ito. "Pakawalan ninyo ako rito!" umalingawngaw ang aking sigaw sa buong bulwagan. Walang ni isang nagpakitang Incubus at Succubus. Muli akong sumigaw ngunit ganoon pa rin, hanggang sa tuluyan na akong mapagod sumigaw. Ilang sandali pa ay nagising na si Hannah, kagaya ko ay ganoon din ang kanyang reaksyon. Naawa ako

