"Raia, huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaang mangyari ang sinasabi mo," saad ko at niyakap ang nanginginig na si Raia. "Natatakot ako. Tulungan mo akong matigil na ang mga nangyayari sa akin. Ayoko nang managinip ng ganito." "Maaaring matigil ang nangyayaring ito sa iyo..." nagdadalawang isip kong saad. Hindi kasi ako sigurado kung dapat ko bang sabihin sa kaniya ang paraang naiisip ko. "Paano?" desperadang tanong nito. Sa kaniyang edad na labing-siyam, masasabi kong dapat hindi pa niya ito danasin. Pero kapag sinabi ko naman sa kaniya, it might lead her to a more sinister consequence. "Hindi ko maaaring sabihin sa iyo, Raia. Ayokong masira mo ang buhay mo," sagot ko. "Bilang tagabantay mo, kailangan kong siguraduhin ang iyong kaligtasan." "Sa tingin mo ba gusto ko ito? Pagod na a

