"Helleia," tawag sa akin ni Diyosa Cashmir. Napatingin ako sa kanya bago tumango. Alam na alam ko kasi kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin. At alam ko ring binigo ako ni Lyo. Sinabi niya sa Diyosa ang kanyang nakita kanina. Hindi lang sa Diyosa kundi pati na rin sa iba pa naming kasamahan. Huminga ako nang malalim bago hinarap ang aking mga kasamahan na may halu-halong emosyon sa kanilang mga mata, at hindi ko mapigilang hindi mapaluha nang makita kong nangingibabaw ang galit dito. Hindi ko lubos akalain na mas masakit pa pala ang mararanasan ko kumpara noon. "Paano mo naaatim na gawin ang bagay na iyon, Helleia?" "Paano mo nagawang kalimutan ang katungkulan mo?" "Paano mo nagawang suwayin ang banal na batas?" "Hangal ka!" "Hindi kana nadala!" "Hindi ka nag-iisip!" Naiyuko

