PROLOGUE:
Lhevyrose
"Go fucking away and leave me alone! You're just fucking disturbing me here!" sigaw niya sa akin habang marahan niya akong itinutulak.
Ngunit siguro ay kahit isubsob pa niya ako sa lupa ay wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon.
"O-Oo na. Aalis na," mahina kong sagot sa kaniya.
Narito na kami sa labas ng resort at nagpapalinga-linga na ako para makahanap ng tricycle na maghahatid sa akin sa pangatlong bayan.
Siya si Charlie Delavega ang unang lalaking bumihag ng puso ko. Pinakagwapo sa lahat ng lalaking nakilala ko. Mabiro at nahuhulog ako ng sobra sa kanyang mga ngiti.
Nakilala ko siya sa palengke sa aming bayan kung saan ako nagtitinda ng mga gulay. Unang tingin ko pa lang sa kanya ay kaagad na akong nahulog lalo na noong kinausap niya ako at tinitigan habang may ngiti sa kanyang mga labi.
Diyos ko! Pati panty ko, nahulog!
Simula niyon ay gustong-gusto ko na siyang palaging nakikita sa araw-araw at nalaman kong isa lang pala siyang bakasyunista dito sa aming bayan.
Kaibigan siya ni Cail na hindi ko naman ka-close pero kahit papaano ay magkakilala naman kami. Siguro ay kailangan ko ng makipag-close sa kanya simula ngayon!
Dahil sa palagi kong pangungulit kay Charlie ay naiinis na siya sa akin at halos ipagsigawan na niya sa aking harapan na hindi niya ako gusto.
Gaya ngayong nagkayayaan sila ng kanilang barkada na mag-swimming dito sa resort sa pangatlong bayan. Nagpumilit akong sumama kahit ayaw niya. Eh dahil makulit ako ay wala rin siyang nagawa.
Ngunit talagang sinisigawan na niya ako at pinagtutulukan dito sa gate ng resort kaya wala na rin akong nagawa pa.
Nanahimik na lang ako at pumara ng tricycle para makauwi na ako at wala ng mangungulit sa kaniya.
Sumakay ako sa tricycle na huminto sa aking harapan. Nilingon ko si Charlie para sana magpaalam ngunit wala na siya. Hindi ko na siya nakita. Mabilis siyang nakabalik sa loob ng resort.
"Saan tayo, Miss?" tanong ng tricycle driver.
"Pakihatid na lang po ako sa pangatlong bayan, kuya," pagkasabi ko niyon ay agad ng tumalima ang driver at mabilis ng pinatakbo ang sasakyan.
Malayo na ang aming narating. Matataas na puno. Walang gaanong kabahayan, matataas na talahiban. Iyan ang aming nadadaanan.
"Kuya, may problema po ba?" Bigla kasing bumagal ang takbo ng tricycle hanggang sa tuluyan na itong huminto sa gilid ng kalsada.
Hindi umimik ang driver bagkus ay bumaba ito at nagtungo sa pinto na aking kinaroroonan. Dito na ako nilukuban ng matinding takot at kaba.
"K-kuya, b-bakit po?"
"Halika dito. Lumabas ka d'yan." Agad niya akong nahawakan sa braso at malakas na hinaltak palabas ng tricycle.
"Kuya, huwag po! Parang awa niyo n-ugh!" Nagmanhid ang buo kong kalamnan nang suntukin niya ng malakas ang aking sikmura.
Nanghina ang buo kong katawan at babagsak na sana ako sa lupa pero kaagad akong nasalo ng driver at hinila papasok sa gubat.
Hindi ako makasigaw sa sobrang panghihina. Kinubabawan na niya ako at pilit niyang hinahablot ang suot kong damit.
"K-kuya, huwag p-eehhmmp!" Tinakpan niya ng isa niyang kamay ang aking bibig.
"Emmppph! Maawa po kayo!" Nabitawan niya ang aking bibig dahil pilit niyang sinisira ang aking damit.
Pinilit kong manlaban ngunit bigla siyang nawala sa aking harapan at tumilapon sa malayo.
Sa tulong ng liwanag ng buwan ay nakita ko itong kinubabawan ni Charlie at pinaulanan ng malalakas na suntok ang mukha nito.
"Charlieee!!!" malakas kong sigaw sa kaniya habang humahagulgol ng iyak. Napabaling naman siya sa akin at sinugod ako ng yakap.
"I'm so sorry. Patawarin mo 'ko. Patawarin mo 'ko. I'm sorry. I'm sorry," paulit-ulit niyang sabi sa akin kasabay ng pagpapaligo niya ng halik sa buo kong mukha.
Iniligtas niya ang buhay ko mula sa mapagsamantalang tao kaya naman utang ko sa kaniya ang buhay ko.
Kusa kong ibinigay ang sarili ko sa kaniya kahit hindi niya naman hiningi bilang kabayaran sa pagliligtas niya sa buhay ko.
Pero pagkatapos niyon ay hindi na niya ako kinausap pa hanggang sa makabalik na sila ng Manila.
***
Lumipas ang dalawang taon. Ang akala ko ay tuluyan ko na siyang makakalimutan ngunit dumating ang malaking pagsubok sa aming mag-ina.
Dinapuan ng matinding sakit ang aking anak at kinakailangan ko ng malaking halaga.
Wala akong pera. Mahirap lang kami. Kaya wala na akong iba pang pagpipilian kundi ang hanapin siyang muli.
Kailangan namin siya.
Kailangan siya ng aming anak.