Ali's POV
"SA akin ka magpapakasal at hindi sa Greg na 'yon."
Gusto kong isaksak sa lalamunan niya ang ballpen na inaabot niya.
"Are you out of your mind, Ninong?" bulong ko pero nanginginig na ako sa galit. "Akala ko ba ‘guardian’ kita? Akala ko ba ‘bawal’ kaya sinabi mo sa akin noon na, 'Ninong mo ako, hija. Hanggang doon lang ‘to. Kalimutan mo na ‘tong nangyari sa'tin'. Tapos ngayon, kung kailan okay na ako, saka mo na naman paglalaruan ang feelings ko? What kind of sick game is this?"
Ngumisi siya. Iyong ngisi na ginagamit niya sa mga kalaban niya sa korte bago niya durugin. “Laro?” Umiiling siya. “Hindi, Ali. Mali ka. Hindi ito laro. At kailan man ay hindi kita pinaglalaruan."
Inabot niya sa'kin ang isang makapal na brown envelope.
"Ibinenta ka sa'kin ng daddy mo," mahinahong sabi ni Ninong Rafael. At mas nakakatakot ang pagiging kalmado niya.
Nanlamig ang buong katawan ko. “Ano…?”
Binuklat niya isa-isa ang mga papel na nakalagay sa loob ng brown envelope. Mga resibo iyon, promissory note, titulo ng lupa, at kung ano-ano pa.
At lahat ng iyon ay pirmado ng daddy ko.
“Yan ang mga utang ng daddy mo sakin, Aliana.” Itinuro niya ang daliri niya sa total amount. “Nalulong siya sa sugal, sa babae. Nagsunod-sunod ang kamalasan niya. Palpak na construction deal, pag-atras ng mga investor. At lahat ng iyon ay ako ang sumalo. Ako ang nagbayad. Ako ang nagtanggol sa kanila ng Mommy mo para hindi kayo mapahiya.”
Napaatras ako. “Hindi… hindi totoo ‘yan… Imposible—”
“Imposible?” Tumawa siya nang mapakla. "Tanungin mo si Daddy mo. Ay, patay na nga pala siya."
Malakas na binasa ni Ninong Rafael ang huling page ng kasunduan daw nila ni Daddy.
"Kung hindi maibabalik ni Emil Santiago ang 200 milyon pesos kay Atty. Rafael D. Suarez sa loob ng limang taon, ang kabayaran ay ang nag-iisang anak niyang si Aliana Mae V. Santiago. Siya ay magpapakasal kay Atty. Suarez upang mabura ang utang at mapanatili ang dignidad ng pamilya Santiago.”
Nalaglag ang mga balikat ko. Hindi ako makahinga.
"Binenta ako ni Daddy?” bulong ko. Tumingin ako sa kaniya nang masama. “Binili mo ako?!”
"Hindi,” sagot niya agad. Lumapit siya. Yumukod siya at sinapo ang aking mukha para magpantay ang paningin naming dalawa. "Hindi kita binili, Ali. Wala lang akong magawa noon dahil kung hindi ko sasaluhin lahat ng utang ng daddy mo, iba ang bibili sa'yo. Gusto kong sabihin sa'yo no'ng gabing nasa condo tayo pero..."
"Pero hindi mo ginawa," garalgal ang boses na dugtong ko.
Nanginginig ang mga labi ko. At dito na bumalik lahat.
FLASHBACK: CONDO NI NINONG RAFAEL. 5 YEARS AGO
Ali’s POV
LASING ako. Wasak ang puso ko. Kagagaling ko lang sa condo ng ex-boyfriend ko at nahuli ko siya na may kasamang iba.
Pang-ilang boyfriend ko na ba ang gag*ng Resty na 'yon na niloko lang ako? Pang-third? Pang-fourth?
Hindi ko alam kung bakit palagi na lang akong niloloko kahit nasa akin naman na ang lahat: maganda, mayaman, matalino.
Pero ang hindi ko maintindihan sa mga oras na ito, bakit sa dami ng puwede kong tawagan para magpa-comfort ay si Ninong Rafael pa?
Siguro dahil noong first heartbreak ko, siya rin ang nakinig sa'kin. Siya ang palaging nandiyan para makinig sa'kin kasi palaging busy ang parents ko.
“Ninong… sunduin mo ako,” iyak ko sa cellphone. “Wala akong ibang matakbuhan.”
Okay. Where are you?
Fifteen minutes lang, nasa harapan ko na ang kotse ni Ninong Rafael. Bumaba siya at lumapit sa'kin. Naka-sando at naka-pajama pants lang.
May galit sa mga mata niya.
"Ano ba ang ginagawa mo sa buhay mo, Aliana?" Binalot niya ako ng coat na hinubad niya. Dumikit dito ang amoy niya kaya feeling ko, kayakap lo lang ang ninong ko. "Anong oras na? At bakit ka umiinom? Twenty one ka pa lang—"
"Kasi pagod na ako!” sigaw ko sa gitna ng kalsada habang umiiyak. Basang-basa na rin ako ng ulan. "Pagod na akong maging mabait! Pagod na ako na niloloko lang. Pagod na akong maging ‘inaanak’. Pagod na akong tingnan ka lang!”
Natigilan si Ninong Rafael. Wala siyang pake kahit basang-basa na rin siya.
First time kong sinabi sa kaniya ang bagay na iyon. Kahit ako, hindi ko rin alam kung bakit lumabas iyon sa bibig ko.
Hindi siya sumagot. Hinila niya lang ako papunta sa kotse niya.
"Umuwi na tayo," sa halip ay sabi niya.
Sumunod na lang ako sa kaniya kasi hinang-hina na ako sa kakaiyak.
Tahimik ang buong biyahe namin. Ako lang ang humihikbi. Si Ninong Rafael, mahigpit ang hawak sa manibela. Focus lang siya sa daan.
Pero ang panga niya? Umiigting sa galit. At hindi ko alam kung kanino.
Ayaw kong umuwi sa dorm ko. Mas lalong hindi ako puwedeng umuwi na ganito kaya sa condo ni Ninong niya ako dinala. Nasa province kasi ang bahay niya.
Ali's POV
PAGDATING namin dito sa condo niya, dumiretso na ako sa couch. Pabagsak na humiga ako. Parang wala ng ganang mabuhay.
Dahil nga si Ninong Rafael ang takbuhan ko kapag may problema ako kaya labas-masok na ako rito.
"Magbihis ka. Maghubad ka ng basang damit bago ka pa magkasakit. Kung gusto mo, mag-shower ka." Ibinato niya sa'kin ang oversized T-shirt niya. "Kukuha lang ako ng tubig at gamot para di na sumakit iyang ulo mo."
Tumalikod na siya nang magsimula na akong maghubad. Pero bago siya makalabas ng sala…
“Ninong," tawag ko sa kaniya.
Napahinto siya pero hindi lumingon.
“Bakit hindi mo ako kayang tingnan?” bulong ko. Hindi ko na naman alam kung bakit ganito ako ngayon. Siguro dahil brokenhearted ako tapos lasing pa. Tumayo ako habang nakababa na ang strap ng dress ko. Medyo ume-ekis ang lakad ko. “Kasi alam mong gusto mo rin ako? Kasi alam mong hindi lang ‘inaanak’ ang tingin mo sakin?”
Dahan-dahan siyang lumingon. At doon ko nakita ang tunay na emosyon ng mga mata niya.
Hindi galit.
Hindi awa.
Pero hindi ko naman ma-explain kung ano ang gusto niyang ipaintindi sa akin.
"Magbihis ka, Aliana." Sumeryoso ang mukha ni Ninong Rafael pero medyo husky ang voice niya. "Ihahatid na kita sa dorm mo. Kalimutan mo ‘tong gabi na ‘to. Kalimutan mong tumawag ka sakin. Kalimutan mong…"
“Kalimutan kita?” putol ko habang luhaan ang mga mata ko. Lumapit ako sa kaniya. Isang hakbang lang at halos hangin na lang ang pagitan namin. “Paano? Eh, ikaw lang ang naalala ko sa tuwing sinasaktan ako ng mga lalaking hindi ikaw."
Isa pang hakbang. Magkadikit na talaga kami. Ramdam ko na ang init niya. Amoy ko na ang alak sa hininga niya. Nakainom din pala siya.
"Pagod na ako, Ninong,” bulong ko. Hinawakan ko ang laylayan ng sando niya. "Pagod na akong magpanggap na hindi kita gusto. Pagod na akong isipin na bawal.”
Sa wakas, naintindihan ko na rin kung bakit palaging si Ninong Rafael ang laman ng mga panaginip ko. Kung bakit palaging katulad niya ang mga lalaking hinahanap ko.
“Isang gabi lang, kalimutan natin pareho. Na ninong kita. Na inaanak mo ako. Na mali ‘to," patuloy ko. "Isang gabi lang… angkinin mo ako. Para naman… para naman maranasan ko kung paano mahalin ng taong pinipili ako, hindi ng taong niloloko lang ako.”
"Ali…" Hinawakan niya ang kamay ko para alisin sa sando niya. Pero hindi niya ako itinulak. Hinawakan niya lang nang mahigpit. "Lasing ka. Emotional ka. Hindi mo alam ang sinasabi mo. As you can see, nakainom din ako. Hindi gano'n katibay ang kontrol ko ngayon."
“Alam ko.” Tumingin ako sa mga mata niya nang diretso. “Gusto kita. Gusto ko ‘to. Gusto ko ikaw. Kahit mali. Kahit isang gabi lang. Kahit bukas, itataboy mo na ako. Please, Ninong… pagbigyan mo na ako. Kasi kung hindi ikaw… baka sa iba ko na lang hahanapin ‘to. At ayoko. Ayokong sa iba.”
Iyon ang sumira sa pagtitimpi ni Ninong Rafael.
Iyong sinabi ko na "sa iba".
Bigla niya akong hinila, walang salita. At saka hinalikan niya ako na parang nagpaparusa.
Hindi marahan. Hindi maginoo. Parang ang tagal niyang kinapos ng hangin at ako lang ang oxygen niya.
Madiin. Mapusok. Parang desperado ang bawat halik sa akin ng ninong ko.
"Putang-*na mo, Ali,” bulong niya sa pagitan ng halik. “Putang-*na mo kasi ngayon mo pa ginawa ‘to. Kung kailan hindi ko na kayang tumanggi.”
Since I was child, ngayon ko lang narinig na nagmura nang ganito si Ninong Rafael. Pero hindi naman ako na-turn off or something sa kaniya.
Sa halip, parang dumagdag pa nga sa init na nararamdaman ko ngayon ang pamumura niyang iyon.
Binaklas niya ang basang dress ko at siya na ang naghubad. Isang hila lang, wala na agad akong damit. Walang ingat, walang pasensiya. Na para bang nawala siya sa katinuan.
Ngayon, parang hindi na siya si Atty. Suarez. Parang hindi na siya ang Ninong Rafael ko na palaging may pag-iingat. Palaging mahaba ang pasensiya. Lalo na pagdating sa'kin.
Siya na lang ngayon ang simpleng lalaki na parang baliw na baliw sa'kin.
Kinarga niya ako. Hindi bridal style. Iyong parang gusto niya akong angkinin agad. Diretso kami sa room niya.
Ibinagsak niya ako sa kama. Sa kama na ‘to. Iyong kama kung saan siya natutulog mag-isa gabi-gabi. Kasi wala naman siyang asawa. Matandang binata ang Ninong ko.
Pumatong siya sa'kin. Tinitigan niya ako. Mula sa basang buhok ko. Sa basang mga mata dahil sa mga luha ko. Hanggang sa aking basang katawan dahil sa ulan.
Nanginginig ako. Hindi sa lamig. Hindi sa takot.
Kunidi sa anticipation.
"Huling pagkakataon, Ali." Hinaplos niya ang mukha ko. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang hinlalaki. Pero ang mga mata niya, nag-aapoy. "Sabihin mong ayaw mo. Sabihin mong tumigil ako. At itatayo kita rito. Bibihisan kita. Ihahatid kita sa dorm mo. At kakalimutan natin ‘to.
"Paninindigan ko ang pagiging ninong mo," bulong niya. "Pero 'pag hindi ka nagsalita ngayon…" Hinalikan niya ang leeg ko. Pababa... Sa collarbone. Sa gitna ng mg s*so ko. Bawat halik niya ay nag-iiwan ng marka. " …aangkinin kita. At bukas, hindi ko na mapapatawad ang sarili ko. Kasi hindi na kita pakakawalan."
Hindi ako nagsalita.
Hinawakan ko lang ang batok niya. At saka hinila ko siya pababa sa'kin .
Iyon lang ang sagot na kailangan niya.
"Tang-*na." Huminga siya nang malalim. Parang naubos na ang pagpipigil niya. "Bahala na. Sa impyerno na tayo pareho," narinig ko na bulong pa ni Ninong.
At inangkin niya ako.
Dahan-dahan lang no'ng una. Kasi kahit uhaw na uhaw siya, takot pa rin siyang saktan ako. Alam kasi ni Ninong na virgin pa ako kasi nasabi ko 'yon sa kaniya noong nag-inuman kami last week.
Pero nang marinig niya ang ungol ko, hindi sa sakit kundi sa sarap, nawala ang takot sa mga mata niya.
"Tang-in*. Ang sarap mo, Ali. Wala ng bawal. Wala ng ninong. Wala ng inaanak," sabi niya habang binabayo niya ako sa ilalim niya. "Ngayong gabi, akin ka. Akin ka lang, Ali."
Masakit pa rin pero mas sarap na sarap ako sa bawat pasok at hugot ni Ninong sa sandata niya sa loob ko. Para akong kinikiliti na hindi ko ma-explain.
Wala na akong pake sa lahat.
Iniisip ko lang ang kami lang. Nandito sa kama niya. Nakikinig sa malakas na ulan sa labas. Na para bang bumubulong na, 'Mali ito pero itinuloy n'yo pa rin.'
Pero mas malakas ang mga ungol namin ni Ninong Rafael kaya siguro hindi namin marinig ang paalala ng ulan sa amin.
"Akin ka lang, Rafael," sabi ko sa kaniya habang nakayakap ako sa leeg niya. Wasak na wasak na ako sa ilalim niya.
"Sa'yo lang ako, Ali. Sa'yo lang. Simula pa no'ng una. Hanggang sa huli," bulong din niya sa tenga ko habang gumagalaw siya. "Kahit mali. Kahit masunog tayo sa impiyerno. Kahit magalit man sa'kin ang mga magulang mo. Basta sa'yo lang ako at akin ka."
At doon na ako tuluyang bumigay. Hindi lang sa katawan. Pati sa puso. Pati sa aking kaluluwa.
Kasi ngayong gabi, hindi ako inaanak.
Babae ako.
Kay ninong ako.
KINABUKASAN. 6AM.
Ali's POV
NAGISING ako na wala pa ring mga damit pero nakabalot ng kumot. Masakit ang buong katawan ko. At mag-isa lang ako dito sa kama.
Si Rafael, nakatayo sa bintana. Naka-pants lang. Nakatalikod.
Paglingon niya sa'kin, wala na 'yong lalaking umangkin sa'kin kagabi. Bumalik na si Ninong.
"Magbihis ka na," malamig ang boses na utos niya sa'kin. Malayo sa boses na nagsabi ng 'sa'yo lang ako at akin ka' kagabi. "Ihahatid na kita sa dorm mo."
Kinunutan ko siya ng noo. "Ninong?"
"At Aliana," sa halip ay sambit niya sa buong pangalan ko. Na ginagawa lang niya kapag galit siya sa'kin o sinesermunan niya ako. "Ninong mo ako, hija. Hanggang doon lang ‘to. Kalimutan mo na ‘tong nangyari sa'tin."
Ninong mo ako.
END OF FLASHBACK
Itutuloy...