NIKKI Yes! Saturday! May date kami ngayon ni Chase. Ilang araw na din kasing naantala tong date na to eh! Masaya akong bumaba sa hagdan pero natigilan agad dahil may nakita kong hindi pamilyar na mukha sa salas namin. At feeling close agad kay Milo at kay Chase. Sino ba tong babaeng to? In fairness kay ate, maganda sya ha. Pero ako lang ang dapat maganda dito no! Nakataas ang kilay na nilapitan ko sila. Nakita ko na ngumiti sya sakin. What's with the smile? "Do I know you?" mataray na sabi ko dito. Nakasmile pa din sya sakin. Ay si ate, hindi marunong magsalita? Pipi lang? Magtataray pa sana ko ng nagsalita si Milo. "O sabi ko sayo hindi ka din makikilala nyan eh" wait! So kilala ko sya? Pinagmasdan ko ulit yung babaeng kaharap ko. Nanlaki naman yung mata ko nang makilala ko kung si