I feel stress, ilang araw na akong ganito. Sumasabay pa sa stress ko ang sama ng pakiramdam ko. Mabuti na lang at weekends kaya hindi ko kailangan bumangon ng maaga para pumasok ng school. I avoided Uncle Zeke. Ginawa ko ang lahat upang hindi kami mag-usap. Iniwasan ko siya sa abot ng aking makakaya. Maging ang daanan niya patungo sa kwarto ko ay aking isinara. Ipininid ko ang bintana na laging niyang dinadaan kapag pupunta sa kwarto ko para makaiwas ako sa kanya. Maging ang cellphone ko ay nakapatay na rin simula ng ilang beses na niyang akong in-try na tawagan. Ang mga mensaheng pinadala niya bago ko i-off ang cellphone ko ay puro pagmamakaawa na mag-usap kami. Pero matigas ang loob ko na huwag siyang kausapin. Malaki ang kasalanan niya sa akin at hindi ko matanggap ang isa pang pasab