"Ayoko, Zeke! Hindi ako sasama sa iyo," mariin kong pagtanggi sa sinabi ni Uncle Zeke. "Why? Saan mo ba balak pumunta?" galit niyang singhal sa akin. Sapo niya ang kanyang pisngi na sinampal ko habang nagtatagis ang kanyang mga bagang. Doon kung saan malayo sa iyo, malayo sa gulong nangyayari sa pamilya natin... Sabi ko na nga ba, malaking pagkakamali na rito ako sa Manila pumunta. Nakalimutan ko na pag-aari ng pamilya ni Sir Erwin ang paliparan dito at malamang siya ang nagbalita kay Uncle Zeke na narito ako. Siguro kung hindi na-delay ang mga flights dahil nagkaroon ng problema sa system nila, hindi sana ako naabutan ni Uncle Zeke rito. Sana nasa Davao na ako at nagpapahinga sa bahay nina Lola. Doon ko nais magpunta, naalala ko na buhay pa ang tiyahin ni Mama na lagi naming pinupu