Walang nagawa si Nayeli kundi ang hayaan ako sa gusto kong gawin. Isa-isa kong initsa ang mga natanggal kong damit sa katawan niya sa baba ng kama. Seryoso ang aking mukha at salubong ang aking mga kilay dahil sa inis. Mr. Bombay na gurang, oh, come on! Hindi mawala ito sa isip ko dahil 'di ko matanggap na ito pala ang tingin niya sa akin noon pa. Kung alam ko lang na gurang ang tingin niya sa akin eh di sana, noon pa ako nagpagupit at nag-iba ng estilo ng buhok. Akala ko kasi bagay sa akin ang ganoong hairstyle lalo na at uso naman ang magpahaba ng buhok, bigote, at balbas. Si Vincent nga ganoon pa rin ang hairstyle pero wala namang reklamo sa kanya si Charmel. Nawala ang inis ko nang matanggal ko ang panty niya. Kaagad na bumulaga sa akin ang madamong hiyas niya na napabayaan na sa ahi