Pagewang na umibis ako palabas ng sasakyan ko nang pumarada ito sa garahe. Kaagad na umalalay sa akin ang dalawa kong bodyguard na alerto agad sa kanilang mga kilos. Fuck that f*****g liquor! Sabi ko kay Blue ay hindi ako masyadong iinom ng alak dahil baka magalit sa akin si Nayeli kapag nakita niyang sobra akong lasing na uuwi. Ang lokong lalaking 'yon ay nilasing talaga ako ng bongga para raw pantay-pantay kami na uuwing lasing. Lasing na lasing din kasi sila ni Erwin na siyang kasama kong nag-inuman sa bar niya. Wala naman talaga akong balak puntahan sila pero ang kukulit kaya imbes na dumiretso ako ng uwi, nag-U turn ako para bumalik sa bar niya. Tapos saka ko lang naalala na na-text ko pala si Nayeli na on the way na ako pauwi. Lagot ako nito. Alas-nuebe na at mukhang maa-outside