Pagkatapos kong masabi iyon kay Zeke ay dali-dali ko silang iniwan ni Zeek sa kwarto. Nasasaktan ako kapag nakikita ko si Zeke na malungkot na nakatitig sa aming anak. Ang dami kong pagkukulang sa kanya bilang asawa where in fact siya, ginagawa niya lahat upang maging maayos ang lahat sa amin. Masisi niya ba ako kung ano-ano ang tumatakbo sa isipan ko ng mga panahong 'yon? Ayaw kong umalis pero iyon dapat. Masayang-masaya ako na malaman na hindi kami magkaano-ano. Pwede na kaming magsama bilang mag-asawa. Pero parang nakakailang sa pakiramdam lalo na kapag nagkaroon kami ng family gathering. Parang incest pa rin na maituturing ang relationship namin dahil inampon siya ng Lolo at Lola ko. Uncle ko pa rin ang labas niya dahil legally adopted siya ng mga Burak. Pero siguro naman naisip na