"What's your problem about my f*****g scent, Nayeli? Ulitin mo pa, 'yan, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo!" Inis na lumabas ako ng banyo bago pa ulitin muli ni Nayeli ang sinabi niya na "amoy patay" raw ako. Kaagad na hinubad ko ang lahat ng saplot ko sa katawan at inilagay ito sa garbage bag na nakita ko sa trash bin na wala pang laman. Itinali ko itong mabuti at iniisip ko kung susunugin ko ba ang lahat ng damit kong laman ng plastic. Amoy patay? Damn! Malapit na ba akong mamatay at naaamoy na niya ang pormalin sa katawan ko? Kinilabutan ako sa aking naisip! Hindi pwede! Hindi ko pa nga naanakan ang asawa ko tapos maaga na akong kukunin ni Lord? "Lord, huwag po muna, please. Pangako, kapag naayos ko po lahat ng gusot sa pamilya namin, magpapamisa po ako sa bahay. Magdo-dona