Nagpapasalamat ako dahil sembreak na namin sa school. Hindi ko na proproblemahin kapag sinumpong ako ng paglilihi ko dahil ang hirap. Up until now wala pang napapansin si Papa sa pagbabago ng katawan ko. Though napupuna niya na madalas akong magkulong sa kwarto ko. Iniwasan ko pa rin si Uncle Zeke pagkatapos nang may mangyari sa amin sa kwarto ko. Hindi na siya nabigyan ng pagkakataon na makausap ulit ako. Isang pagkakamali ang nangyari sa amin sa kwarto ko nang minsang puntahan niya ako. Kahit panay ang punta niya sa bahay namin palagi ay nagbibilin na ako kay Papa at Manang na ayaw kong paistorbo. Hindi naman ako kinukwestiyon ni Papa dahil alam naman niyang naaadik ako sa panonood ng Turkish drama sa laptop ko gabi-gabi. At alam niyang gabi-gabi akong puyat, ayaw ko naman magpuyat da