Dinala ako nina Sky at Devin sa lugar kung saan nila pinatira si Nayeli. Kasama namin sina Kuya Zandro at baby Zeek na hindi na humiwalay sa katawan ko. Kukunin din kasi namin ang mga gamit ni baby Zeek doon at Nayeli dahil umayon na si Kuya Zandro na iuwi ko sa bahay ang mag-iina ko. "Dito sila tumira, Zeke," ani Devin nang makababa kami sa mga sasakyan. Nasa tapat kami ng isang malaking bahay na pamilyar sa akin. "Bahay 'to nina Vincent atCharmel ah?" tanong ko. I've been here once, noong nag-birthday ang inaanak kong si Hakan. "Oo. Hindi rin alam ni Vince na pinatira namin dito si Nayeli. Sinabi lang namin na may umupa pero hindi namin sinabi na ang asawa mo." "Ang gagago niyo, alam niyo ba?" naibulalas ko na lang. "Ang lapit lang pala ng pinagtaguan niyo sa kanya. Hindi man lang k