So, hayun nga, maaga kaming nagising nina Nayeli at Zeek kinabukasan para pumunta kina Devin. Mamamasyal kami roon para makita ang farm niya roon na tinaniman niya ng ubas at pakwan. Noong isang araw pa kasi niya kami inaaya ni Nayeli pero nakakalimutan ko gawa ng pagiging busy ko sa trabaho. At itong araw dahil Sabado, naisipan ko kagabi na paunlakan ang kanyang paanyaya. Isa pa, sabi niya baka nami-miss na rin ng anak ko ang mga kabayo sa kwadra niya. Isa kasi ang mga kabayo sa kinagigiliwan ng anak ko kapag namamasyal ito at si Nayeli sa bahay nina Devin noong tinaguan niya ako. May dahilan din ako para magpunta roon. I am planning to propose to Nayeli. Doon ko naisip ang kakaibang proposal na gagawin ko. Simple lang naman kung tutuusin, kagabi ko lang din naisip at sana hindi puma