Sa Sky Ranch ang destinasyon namin ngayon ni Zeke. Doon ang una kong pinili dahil matagal na rin ng huling punta ko sa amusement park. Gusto kong sumakay sa matayog na ferris wheel na tinatawag nilang Sky Eye roon. Tapos ang Sky Cruiser, Nessi Coaster, Flying Bus at ang panghuling gusto kong sakyan ay ang Wonder Flight. Last na sakay ko ng mga ito ay noong fifteen years old ako. Dito ako madalas ipasyal nina Papa at Mama at tuwang-tuwa sila kapag naririnig nilang napapatili ako sa saya. Nakaka-miss ang mga panahong iyon, ang sarap balik-balikan lalo na at kasama pa namin si Mama noong nabubuhay pa siya. "Why are you sad, honey?" untag ni Zeke na hindi ko namalayan na nasa akin na pala ang kanyang atensyon. Kanina kasi, hawak niya ang kanyang laptop at kausap ang assistant niya. Hindi k

