"Hindi pa rin ba kayo nag-usap ni Nayeli, Zeke?" untag ni Blue sa akin. Tumabi siya sa akin mula sa pagkakaupo ko sa buhanginan at tumanaw rin sa malalaking alon ng dagat na humahampas sa batuhan. Narito kami sa Romblon. Kasama namin ang buong barkada kasama ang kani-kanilang kapareha. Ako lang at si Blue ang walang kasama dahil nasa kumplikadong sitwasyon ang estado ng aming kanya-kanyang relasyon. Tinanggal ko muna ang suot kong shades at saka siya sinagot. "No. Pinagbawalan ako ni Kuya Zandro na makita siya," walang gana kong sabi. Two weeks ko ng hindi nakikita at nakakausap si Nayeli. Sobrang miss na miss ko na siya at ewan kung hanggang kailan ko matitiis na hindi siya makasama. "Pumayag ka naman sa gusto niyang mangyari?" ''Natural, hindi. Bakit naman ako papayag? Asawa ko si