Mainit ang ulo ko nang gumising ako ng umagang ito. Hindi ko alam pero sobrang wala ako sa mood dahil sumasabay pa ang sama ng pakiramdam ko. Paggising ko pa lang at mamulatan ko ang mukha ni Zeke na masarap ang tulog ay nabuwisit na ako. Ang sarap hambalusin ng mukha niya. O kaya naman ay tapakan ito hanggang sa malagas ang ngipin niya. Ewan ko ba pero naiinis ako sa kanya pagsilay ko pa lang sa mukha niya. There is something in my mood that I can't understand. Kung kulang ba ako sa pahinga pa or what ay hindi ko rin alam. I want to get out of here. Naalibadbaran ako na madikit sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin dahil the whole week na magkasama kami at nagla-love making okay pa naman ako. Pero may something na sa akin na kakaiba kahapon pa na hindi ko ma-point out.