Sabi nila, habang patagal nang patagal ang isang relasyon, pasarap ito nang pasarap at patibay nang patibay. Tama sila, ramdam ko ito kay Zeke. Hindi niya ako binigo kahit kailan. Pinadama niya sa akin ang pagmamahal na hindi ko akalain na sa kanya ko pala mahahanap. Dati, kay Jethro lang umikot ang buhay ko. Siya lang ang minahal ko na umabot ng halos dalawang taon. Pero wala pala ito sa haba o tagal ng pagsasama. Nagawa pa rin niya akong lokohin dahil hindi ko maibigay sa kanya ang gusto niya. Sabi nga nila, everything happens for a reason. Naniniwala ako rito dahil may malaking rason kung bakit ko nahuli si Jethro na nagloloko at naging dahilan ito para maghiwalay kami. Nakatadhana pala ako kay Zeke, ang uncle ko na hindi ko alam na may malaking pagkagusto pala sa akin. Dahil sa pag

