NANLAKI ang mata ni Relle ng malaman kung saan sila pupunta ni Felix. "Really? Greece?" Nakangiting tumango naman si Felix. "Yup." Niyakap ni Relle ang asawa dahil sa sobrang tuwa. "Thank you, Felix." Napangiti naman si Felix. "Anything to make my wife happy." Malawak ang ngiti ni Relle habang naglalakad sila ni Felix papasok sa loob ng eroplano bound to Greece. Greece is one of the country na pinapangarap niyang mapuntahan pero hindi naman niya kasi maiwan ang restaurant niya at isa pa wala rin siyang kasama. Kung si Lexi naman, ayaw na ayaw nito ang nagbya-byahe lalo na kung malayong lugar ang pupuntahan. Sa tabi siya ng bintana ng eroplano naupo. "Pwede kang matulog. Malayo ang biyahe natin." Sabi ni Felix. Tumango si Relle at sumandal siya sa balikat ng asawa. Ipinikit niya ang

