PASAKAY na ng kotse si Felix ng mag-ring ang cellphone niya at isa sa mga bodyguard ni Relle ang tumatawag sa kaniya. Kumunot ang nuo niya pero bigla siyang nakaramdam ng kaba. "Hello. Anthony—" "Miss Relle is missing." Kaagad nitong sabi. Nanlaki ang mata ni Felix. "What happened? Damn. I'm on my way." Tanong niya at nagmamadaling sumakay sa kotse. He started the engine and drive the car fast. Halos paliparin na ni Felix ang kotse para lang makarating sa bahay nila Relle. Pagdating niya doon. Abala ang mga bodyguard nito sa pagtingin sa cctv footage. "Kuya Felix." Pagsalubong sa kaniya ni Lexi. "Anong nangyari, Lexi?" Tanong niya rito. He was calm but he was actually nervous. Hindi niya lang pinapahalata. "Hindi ko alam, Kuya. Basta pagdating namin dito sa bahay. Wala si Ate Rel

