MASAKIT ang ulo ni Relle na nagising. Malabo ang paningin niya kaya muli niyang ipinikit ang mata. "You're awake." Mabilis na nagmulat ng mata si Relle at tinignan ang nagsalita. Kumunot ang nuo niya at bigla siyang kinabahan. Kahit isang beses niya lang itong nakita, kilala niya kung sino ito. Ito ang nakamaskarang lalaki na nagtangkang humalay sa kaniya noon. "Hi, Relle." Bati nito at lumapit sa kinahihigaan niya. Bumangon naman si Relle at umatras. "Sino ka?" "Hindi mo ba talaga ako kilala? Well, hindi na mahalaga 'yon. Ang mahalaga ngayon ay nandito ka na, sa tabi ko. Sabi ko naman sa 'yo, magiging akin ka din." Hindi nakatali si Relle sa kama kaya naman mabilis siyang nakalayo sa lalaki ng tangka siya nitong hawakan. "Takot ka talaga sa akin." Sabi ng lalaki at tinanggal nito

