NAPANGITI si Relle habang magkahawak-kamay silang dalawa ni Felix na naglalakad sa sidewalk ng kalsada. Inaya siya nitong mag-date silang dalawa. Their wedding is coming. Inaasikaso na nila ang tungkol sa kasal nila. Pero kahit naman abala silang dalawa sa pag-asikaso sa kasal. Relle never felt pressured. Masaya siya actually dahil dalawa sila si Felix ang personal na umaasikaso sa kasal. And now, isang linggo na lang kasal na nila. Relle is super-duper excited for the upcoming wedding and so as Felix. Hindi lang alam ni Relle na mas excited pa si Felix kaysa sa kaniya. Felix can't to call Relle as Mrs. Evans. Felix sighed. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Relle. Naglaka-lakad sila sa sidewalk habang tumitingin sa mga tinitinda sa daan. "Malapit na ang kasal natin." Sabi ni Felix

