RHEENABELLE was busy in her work when Lexi entered her office with a cake in her hand place with a small plate. "Ate, meryenda ka muna." Anito sabay lapag ng hawak nitong cake sa table niya. Her favorite, raspeberry cake. "Thanks, Lexi." Aniya. Kapagkuwan napatingin si Relle at Lexi sa bahay na pinapatayo malapit sa kanila. Matagal ng bakante ang lote na malapit sa bahay nila at masukal rin ito. Pero may mga dumating at naglinis diyan noong nakaraang linggo at ngayon ay pinapatayuan na ng bahay. "Parang mansyon yata ang ipapatayo diyan, Ate." Sabi ni Lexi. "Pero ang bilis nila, ah. Noong nakaraang linggo lang 'yan na sinimulan." Ani Relle. Tumango si Lexi. Kumain naman ng cake si Relle habang pinapanuod ang bahay na pinapatayo. Nagpaalam naman na ang kapatid na babalik sa café nito

