C-2: Pangarap

1273 Words
Halos hindi ako makahinga sa dami ng aming ginawa sa Mansyon. Ramdam ko na din ang kirot ng aking mga talampakan tanda na nangangalay na sila. Isa-isa na kasing dumarating ang mga anak nina Donya Helena at Don Arthur. Nauna ng dumating ang panganay nitong si Senyorito Arvin kasama ang pamilya nito. Kahapon pa naroon sina Senyorita Claudia at Senyorita Clarisse. Sina Senyorito Alas na lang at Senyorito Allen ang wala pa. Pero ang feelingerang fiancee ni Senyorito Alas ay kahapon din dumating nauna pa sa totoong anak na pumunta ng Mansyon. Pero nasa isang clinic dahil natapilok kahapon pagkatapos kong ibulong na sana ay matapilok dahil sa kagaspangan ng ugali nito. "Bago ka dito?" tanong sa akin ni Senyorito Arvin nang bigyan ko sila ng meryenda. Nginitian ko naman si Senyorito Arvin at ang asawa nito na nakatingin sa akin. "Opo, Senyorito! Anak ako ni Susan," sagot ko. Para namang biglang may naalala si Senyorito Arvin pagkasabi ko 'yon. "Ah, oo! Naalala ko na palagi ka niyang isinasama noon dito naglalaro ka lang habang siya ay nagtatrabaho.* Ngumiti din sa akin si Senyorito Arvin. "Ilang taon ka na ba? Parang ang bata mo pa," tanong naman ng asawa ni Senyorito. "Twenty two na po ako, Senyorita." Kimi kong sagot. Tumango-tango naman ang mag-asawa kapagkuwan ay nagpaalam na ako. Nakangiti ako kasi ang ganda ng komento ni Senyorito Arvin sa akin. Lumaki daw akong maganda at masipag sino ba naman ang hindi matutuwa lalo na kung galing sa mga amo ko ang papuring iyon! Kaya naman kahit pagod ako ay mas ginanahan akong nagtrabaho. Mga bandang alas kwarto ay narinig ko ng dumating sina Senyorito Alas at Senyorito Allen. Biglang sumikdo ang aking dibdib, nataranta ako at nakadama ng ibayong excitement. Sa wakas ay makikita ko na ulit ng personal ang aking pinakamamahal na si Senyorito Alas. Malaki ang agwat ng edad namin aaminin ko 'yon subalit hindi ko alintana. Six years lang naman ang gap naming dalawa, at saka naniniwala akong age doesn't matter pag tungkol na sa pag-ibig ang usapan. "Sum, dalhan mo ng meryenda ulit 'yong mga anak ni Donya Helena may dumating kasing dalawa kumpleto na yata sila." Biglang utos sa akin ni Nanay na nag-aayos ng mga nalutong ulam para mamayang tanghalian. Bukas ng gabi na kasi ang wedding anniversary nina Donya Helena at Don Arthur. Mas magiging busy na naman silang lahat pero okay lang dahil sulatin naman na ang aking lakas at inspirasyon sa buhay. Mabilis kong binuhat ang food tray at buong ingat ko iyong dinala sa may malaking sala. Tanaw ko kaagad kung gaano kasaya ang magkakapatid kay gandang tingnan. Tunay ngang masaya ang may maraming kapatid pero hindi lahat lalo na kung ang pamilya ay hikahos sa buhay. Maganda kina Donya Helena dahil mayaman sila kahit pa isang dosena sana ang anak nito ay okay lang mabubuhay nila ito nang matiwasay kasi mga mayaman sila. Sumikdo ang aking puso sa pagtatama ng aming mga mata ni Senyorito Alas nang mapatingin ako sa kanya. Lihim akong napalunok kita ko sa kanyang mga mata ang paghanga niya pagkatunghay sa akin. Kagyat na natahimik sila pati si Senyorito Allen ay napatitig pa sa akin kung napaisip ako kung ganoon ba talaga ako kaganda katulad ng sinabi sa akin ni Senyorito Arvin. "Meryenda niyo po," sabi ko pagkatao kong tumikhim. "Ngayon ko lang nakita ang mukha mo dito saka mukhang bata ka pa, are you knew here?" Tanong sa akin ni Senyorito Allen. Kay Senyorito Alas ako tumingin at nginitian ko siya saka ako marahang tumango. "Anak siya ni Aling Susan hindi ko alam kung siya ang bunso. But siya ang dala-dala ni Aling Susan dito noon na bata," si Senyorito Arvin ang sumagot. Napa-oh naman sina Senyorito Allen sa sinabi ni Senyorito Arvin. Habang si Senyorito Alas ay nanatiling nakatira sa akin ibayong kilig ang hatid no'n para sa akin. Lalo na at lihim ko siyang itinatangi at pinapangarap. "Siya pala 'yon," biglang sabi ni Senyorito Alas pagkatapos. Nagtaka ako kung ano ang ibig niyang sabihin dahil hindi ko gets ang kanyang sinabi. "What do you mean?" Tanong naman ni Senyorito Arvin. Ngumisi naman si Senyorito Alas sa akin kaya nag-iwas ako ng aking tingin. "Siya pala 'yong iyaking bata na umakyat sa punong mangga natin. Alam niyang umakyat hindi niya alam kung papaano bumaba mabuti na lang nasa malapit lang din ako noon." Kwento ng Senyorito. Ramdam kong nag-init ang aking mukha kasi tanda pa pala niya ang nangyari. Doon kasi nagsimula na magkagusto ako sa kanya at simula noon ay naipangako kong siya ang aking mapapangasawa pagdating ng araw. Narinig kong nagkatawanan ang magkakapatid kaya ngumiti na lang din ako. "Dalaga na siya huwag mo ng ipaalala iyon tiyak nahihiya na siya." Sabi naman ni Senyorita Claudia. Kimi lang akong ngumiti. "I just remember kasi eh! And I think your name is Summer," dugtong pa Senyorito Alas. Mas lalo akong sumaya dahil hindi niya nakalimutan ang aking pangalan. Grabe ang iyak ko noon lalo na may sugat ako, ginamot niya at ako ay kanyang pinatahan. Binuhat niya ako pabalik sa Mansyon, binigyan ng tsokolate at muffins para lang tumahan ako. Kiniss niya pa ang aking sugat that time sabay hinipan, pagkatapos ay pinatawa niya aki at nakipaglaronna siya sa akin. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan hanggang sa nagdalaga ako kasi nga siya ang pinpangarap kong maging asawa someday. "Sige po," pagpapaalam ko kinalaunan. Ayoko sana kaya lang baka sabihan akong abusada ako kung mananatili ako sa sala. Hindi porket kilala ako ng magkakapatid ay makikipag- bonding na din ako. Kahit papaano ay alam ko kung saan ko ilulugar ang aking sarili. Mabait naman ang magkakapatid kaya lang may mga ugali silang paminsan-minsan ay hindi maganda. Ganoon naman yata ang isang tao may bad side at good side ang personality ng bawat isa. Wala namang perpektong ang mahalaga sa akin ay nasasayawan ko ang ugali ng magkakapatid hanggang ngayon. "Anak paki- ayos daw 'yong mga gamit ni Senyorito Alas sa kanyang kwarto," biglang utos ni Nanay sa akin. "Ho!" Bulalas ko naman kasalukuyan kasi akong gumagawa ng Shanghai para mamayang gabi. "Bakit ayaw mo?" Angil kaagad na tanong ni Nanay. "Hindi naman 'Nay nagulat lang ako," nakangiting sagot ko. Inirapan ako ni Nanay mabilis naman akong naghugas ng aking mga kamay. Parang sinusundot anf aking puwetan sa sayang nararamdaman patungo sa kwarto ni Senyorito. "Paki-ayos itong mga gamit ko Sum. Pupuntahan ko kasi si Daisy sa clinic upang sunduin," agad na bilin ni Senyorito Alas sa akin pagkabukas niya ng pinto. Binati ko pa rin siya kahit na ang kilig ko ay napalitan ng inis sa feelingerang Daisy nito. "Itong mga nakalabas lang ang aayusin mo the rest iwanan mo na ako na ang bahala pagbalik namin ni Daisy." Muli pang bilin ni Senyorito sa akin. "Opo," sagot ko. Tumigil siya at tumingin sa akin. "Bakit po?" Nagtatakang tanong ko. "Stop calling me that hindi pa naman ako gaanong matanda." Sabi niya. Ngunit din ako jusko ang puso ko nawawala na sa sobrang kakiligan. Pilit kong pinakalma ang aking sarili lihim kong pinagalitan ang sutil kong puso. "Sige, Senyorito!" Wika ko kinalaunan. "There, mas maganda ng pakinggan!" Tugon nito at tuluyan nang umalis. Medyo dismayado ako pero kahit papaano ay nadagdagan ang saya ko at energy. Dahil kahit sa konting oras ay may moments kaming dalawa ni Senyorito Alas. Sobrang sayang hatid na sa akin iyon at kuntento na ako doon. Pero umaasa pa din ako na sana balang araw ay mas higit pa sa katulong at amo ang magiging relasyon naming dalawa. Kapag nangyari iyon, ay siya na ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD