Ang tunog ng payapang alon sa dagat ang nagisnan ng babaeng ilang araw nang walang malay. Mayroon itong malalim na sugat sa mukha at mga sugat sa kaniyang katawan. Nang magbukas ang kaniyang mga mata ay isang matandang babae ang una niyang nakita. Nagmamadali namang tinawag ng matandang babae ang nurse nang makita na may malay na ang pasyente. "Nurse, gising na po siya!" Pumasok ang isang babae na nakasuot ng scrub suit. Nakatitig lang ng diretso ang babae sa matanda at sa nurse na lumapit. "Magandang tanghali, kumusta ang pakiramdam mo?" magiliw na tanong ng nurse, bago nito kinuha ang kaniyang blood pressure. Ch-in-eck din niya ang body temperature nito. "M-Masakit ang m-mukha ko..." Kinapa ng babae ang kaniyang mukha at nakapa niya ang gasa roon. Nagtaka pa siya kung bakit si