Gustong habulin ni Jacob si Jade, pero nagbanta si Cora na mag-eeskandalo ito kapag hinabol niya ito. Hanggang tanaw na lang siya rito, habang nakikipagkamay sa mga taong lumalapit sa kanila ni Ziyad. Ang dami niyang mga katanungan na naglalaro sa kaniyang isipan. Jade ba ang totoong pangalan nito? Bakit diamond ang pakilala nito sa kaniya? Ang kaliwang bahagi ng kaniyang isipan ang sumagot, baka screen name lang nito ang Diamond. Nakilala niya ang babae sa kaniyang stag party. Ang sabi ng kaibigan ay isa itong talent na hawak nh isang agency. Ang pakilala naman ng babae ay isa itong working student at ilang lubos, pero paano nito nakilala si Ziyad? Naikuyom niya ang kaniyang kamao. Nalilito siya, pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya makaramdam ng inis para sa babae. Obv