Part 20: Silakbo ng Labanan

2283 Words

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017 AiTenshi Aug 3, 2017   Part 20: Silakbo ng Labanan   Wala na kaming inaksayang oras, agad kaming nag tungo sa tarangkahan ng kastilyo ni Heneral Rascal. Kapansin pansin na bago ang kastilyo ay isang mahabang daan pa ang tatahakin upang makarating doon. At ang daan na iyon ay parang isang makitid na tulay at sa ilalim nito ang kulay itim na tubig na umaagos sa pabaligtad na direksyon.   "Hindi ordinaryo ang tubig na iyan. Buhay ito at may kakayahang makapaminsala." ang wika ni Niko   "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Rael habang naka silip kami isang malaking tipak ng bato.   "Iyan ang makasaysayang Hell river. Ayon sa matandang paniniwala ay umaagos ito ng pabaligtad at ang bawat nilalang na mahulog dito ay tuluyang kakainin ang kaluluwa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD