Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017 AiTenshi Aug 5, 2017 "Jusko! Patay na!!" ang sigaw ni Oven sabay tayo at mabilis na dinampot ang isang tubo na parte ng nasirang rehas. "Ako ang harapin mo! Kahit gwapo ka ay hindi kita uurungan! Isa akong Magic Knight alam mo iyon?!!! Lapit!!!" ang sigaw nito sabay harang sa aming kinalalagyan. Part 22: Huwad "Frend bilisan mo dyan, gising mo na yang jowa mo. Kurutin mo sa itlog niya o kaya pitikin mo yung t**i para mag ka malay. Malapit na siya sa akin, baka matsugi na ako nito!! Parang hindi naman yata siya naniniwala na member ako ng Magic Knight RayEarth." ang bulong ni Oven habang nanginginig sa takot. "Magaganda kasi yung mga magic knight, si Hikaru, Umi at Fu iyon! Iba nalang kasi!" ang sagot ko naman "Eh ano gusto mo?