Mr. Genius X Mr. Blood Sucker Season 2 AiTenshi Part 51: Ang Baliw na si Rael "Tol, tama na iyan! Huwag mong saktan ang asawa mo!" ang sigaw ni Niko habang pilit na inaalis ang pag kaka sakal ng kanyang kamay sa aking leeg Maya maya ay si Heneral Liad na ang pumigil, pilit niya inihiwalay si Rael sa aking kinalalagyan kaya't silang dalawang ang nag buno. Parehas mabilis kumilos at parehong malakas ang pangangatawan. "Ayos ka lang ba?" ang tanong ni Oven habang inilalayo ako sa pinag lalaban nina Rael at ni Heneral Liad. "A-anong nangyari kay Rael? Bakit siya nag kaganoon?" ang tanong ko habang pinipilit tumayo ng tuwid. "Mukha kinulam si Rael ng babaeng iyan!" ang galit na tugon ni Oven sabay sugod sa babaeng nasa entablado "Hoy mangkukulam