Mr.Genius X Mr. Blood Sucker Season 2 AiTenshi Sep 9, 2017 Part 56: Katapangan Para sa Minamahal "RAEL! Bitiwan mo si Rouen! Huwag mong saktan ang anak mo!!! Bitiwan mo siyaaa!!!" ang sigaw ko habang pinigil ito sa kanyang tangkang pag kitil buhay ng aming anak. "RAEL BITIWAN MO SIYAAA!! Bitiwaaan mooo! RAEELLLL!!!!!!" sigaw ko sabay balikwas sa aking higaan. Kasabay nito ang pag bukas ng pinto ng aking silid at dito mabilis na pumasok si Santre. "Anong nangyari?" ang nag aalalang tanong nito. Wala naman akong nagawa kundi ang mapahawak sa aking ulo at doon ay mapaiyak nalang. "Nanaginip ka lamang." ang dagdag niya sabay yakap sa akin. "Huwag kana matakot dahil maaayos rin ang lahat." "Kailangan ko silang iligtas, pakiramdam ko ay nauubos na ang aking oras"