Mr. Genius X Mr. Blood Sucker Season 2 AiTenshi Aug 21, 2017 Part 41: Si Oven bilang Manunulat "Nasaan ba si Oven?" ang tanong ko pag katapos suriin ng doktor ang aking kalagayan. "Nandoon po sa kanyang silid Master." "Pupuntahan ko siya, bakit hindi siya lumalabas? May sakit ba?" ang tanong ko habang bumabangon. Hirap na rin kasi akong dalhin ang aking tiyan dahil may kalakihan na ito. "Sandali lang muna master, hindi kana pwedeng mag aalis at mag lalakad dahil sa susunod na buwan ay maaari na nating biyakin ang iyong tiyan upang makuha ang bata. Sa ngayon ay maayos naman ang kanyang kalagayan, malusog ito ay mukhang nakakatulong ang pag inom mo ng sariwang dugo kada gabi." ang wika ng doktor "Ayoko na ngang uminom nun e. Di naman ako blood sucker para lumagok n