Mr. Genius X Mr. Blood Sucker AiTenshi Aug 16, 2017 Part 38 Natatanging Kaarawan Ilang linggo matapos ang nangyari sa pagitan namin Rael sa ilalim ng asul na buwan ay hindi na namin ito nagawang pag usapan pa. Pinilit ko nalang intindihin na wala talaga siya sa kanyang sarili kaysa naman sa awayin ko siya at sisihin sa mga bagay na hindi naman talaga niya nais na gawin. Nag kataon lamang na ang kanyang isipan ay kontrolado ng buwan kaya ang kanyang katawan ay nag karoon ng sariling pag iisip. Pinilit kong iwaglit sa aking isipan ang pang yayaring iyon kaya naman napag usapan namin na uuwi na lamang sa aming mundo kapag sasapit ang nag tag uhaw o ang kapusukan ng mga blood sucker. Agad naman niya akong sinang ayunan lalo't batid niyang mapanganib lalo na kapag ganoong eksena