Mr. Genius X Mr. Blood Sucker AiTenshi Aug 12, 2017 Part 32: Bagong Misyon Matapos isiwalat ni papa ang katotohanan tungkol sa aking pag katao ay nag karoon pa kami ng pag kakataong mag usap ng masinsinan, syempre sa pag kakataong ito ay kasama na si mama. Naging emosyonal ang aming pag bubukas ng puso at saloobin sa bawat isa, syempre iisa lamang ang lumalabas na layunin ng aking mga magulang at iyon ay protektahan ako sa tiyak na kapahamakan. "Mahal ko ang iyong ama at bago kami ikasal ay ipinag tapat niya sa akin ang lahat ng tungkol sa kanyang pag katao. Noong una ay natakot ako ngunit inisang tabi ko iyon dahil na rin sa minamahal namin ang isa't isa. Alam kong nag sikap ang iyong ama na mamuhay ng normal at ako mismo ay naging saksi sa kanyang malaking pag babago. At no