Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017 AiTenshi July 26, 2017 "IKAW DAYUHAN NA NAG MULA SA IBANG MUNDO.. IKAW ANG BINATANG HINIRANG UPANG MAGING KABIYAK NG AKING ANAK!!" Muli tumunog ang trumpeta.. At ang lahat sa palasyo ay yumuko at lumuhod sa aking harap. Kabilang na ang libo libong kawal na parang domino na sunod sunod nag bigay galang sa akin. Part 9: Si Rael "Sa tingin nyo ba ay nababaliw na ako para pakasalan ang lalaking iyan? Hinding hindi mangyayari iyon. Asa pa kayo." ang galit na salita ng prinsipe sabay suntok sa isang haligi ng palasyo dahilan para magiba ito. "Huwag mong pansinin ang aking anak, bugnutin talaga iyon at matigas ang ulo." ang wika ng Hari habang sabay kaming lumalakad pabalik ng bulwagan. "Bakit kakaiba ang batas dito? Sa aming mu